Halos hindi maipinta ang mukha ni Margaux ng makita niya ang kaniyang Ate Rebecca at si Hunter na masayang nag-uusap sa veranda. Ano kayang pinag-uusapan ng dalawang iyun,mukha kasing ang saya-saya ng kaniyang Ate Rebecca,may patapik-tapik pa itong nalalaman sa braso ni Hunter..At si Hunter naman kuntodo ang ngiti..Bakit ganun?kapag sa kaniya halos ang damot nitong ibigay ang matamis nitong mga ngiti na ngayon ay unlimited na ibinibigay nito sa kaniyang Ate ang mga ngiti nito na matagal na niyang gusto na gawin sa kaniya ni Hunter..ngitian lamang siya nito masaya na siya ang kaso wala eh!kahit anong pag-effort ang kaniyang gawin ay bigo siya sa bagay na iyun.dahil tila ito pipi,bingi at bulag kapag siya yung nandyan..Ano ba ang problema ni Hunter sa kaniya gayung sa simula pa lamang na pagkikita nila ay nagpakita na kaagad siya ng pagkagusto rito pero bakit ang kaniyang ate Rebecca na wala namang ginagawang kaeffort-effort pero binibigyan nito ng pansin.Kung tutuusin mas maganda naman siya sa kaniyang ate rebecca,siya malambing pero ang kaniyang ate wala naman itong lambing sa katawan dahil puro trabaho lamang ang nasa utak nito..kaya hindi niya ito gustong makasama dahil tiyak na mabuburyong lamang ang kaniyang buong maghapon kapag ito ang kasama ..pero bakit si Hunter tila tuwang-tuwa pa na kasama ang kaniyang ate..bakit ganun ang mga ito sa isa't isa,may namumuo na kayang relasyon sa dalawang ito..Naku!huwag naman sana..
Bigla ang pagguhit ng kirot sa dibdib ni Margaux sa isipin iyun..huwag naman sana dahil kapag totoo ang pumapasok sa kaniyang isipan hindi niya alam kung paano niya tatanggapin ang bagay ma iyun..Hindi siya makapapayag kailangan makagawa siya ng paraan para sa kaniya mabaling ang pagtingin ni Hunter..kailangan niyang makuha ang pansin ng lalake at mabaling sa kaniya ang pagtinging inuukol nito sa kaniyang kapatid.
At saka hindi naman bagay ang kaniyang Ate Rebecca kay Hunter dahil siya ang nababagay para sa lalake..
Nagmamadalin siyang nagtungo sa kusina at naghalungkat ng maihahandang pagkain..ipaghahanda niya ng pagkain si Hunter..ipapakita niya na sa lalake na maasikaso at sweet siya kaysa sa kaniyang Ate Rebecca..
Isang bacon sandwich at pineapple juice ang ginawa niyang meryenda para sa lalake..
"Hi!ipinaggawa kita ng meryenda,pineaaple juice at bacon sandwich.."nakangiting inilapag niya ang dalang pagkain sa harapan ni Hunter.
Medyo nagulat pa ang dalawa sa biglang pagsulpot ni Margaux sa kanilang harapan..Lalo na ang kaniyang Ate Rebecca,at gusto niyang mainis sa reaksyon ng mukha nito pagkakita sa kaniya.Nakakagulat ba kung ipaghahanda niya ng pagkain si Hunter palibhasa ito hindi marunong maghanda ng pagkain,walang alam kundi umorder ng pagkain sa fast food and restaurant..kaya kahit mga simple pagkain ay hindi nito kayang gawin..or dahil isa lamang ang dala niyang pagkain at para kay Hunter lang..bakit ba?hindi naman ito mahilig kumain ng mga ganun eh!saka kaya naman nito mag-order kung nagugutom ito dahil iyun naman talaga ang hilig nito mga pagkain restaurant..Ang arte kaya!
"No,thanks."
Narinig niyang turan ni Hunter..Talaga ba?Ayaw nito ng ipinaghanda niya?Nag-effort pa naman siya pero tatanggihan lamang nito..mabuti nga at inalala pa niya ito eh!kesa naman sa kaniyang ate na matagal ng nakaupo ang mga ito pero hindi man lang nag-abala na ipaghanda ng kahit na anong pagkain si Hunter.Tapos yung siya nag-effort pa..agarang tinanggihan ang dala niyang pagkain.
"Mam,ito na po yung pinadeliver ninyong pagkain.."
Nakaramdam ng pagkadismaya si Margaux ng makita ang mga bitbit na pagkain ng kanilang kasambahay..dalawang balot na pagkain iyun at mukhang higit pa sa dalawa ang kakain sa dami nito.
"Pakilapag nalang Rhoda,saka pahingi na rin ng water.."Ani Rebecca.."If you want,you can join us,Marga..you may sit."
Pakiramdam niya ay nagsisimula ng mamula ang kaniyang pisngi sa pagkapahiya,walang-wala ang inihanda niyang pagkain sa dami ng pagkain na inorder ng kaniyang Ate Rebecca at talaga naman nakakatakam iyun....Kaya naman pala tinanggihan ni Hunter ang kaniyang inihandang pagkain eh!.dahil may inorder na ang kaniyang Ate Rebecca para pagsaluhan ng mga ito.
Padarag na muling kinuha niya ang nilapag na meryenda sa mesa na inihanda para kay Hunter saka nagmamadali na tinalikuran ang dalawa.
Pabagsak niya iyung inilapag sa lamesa at nangalumbaba..hindi maiwasan na mangilid ang luha sa magkabilang mga mata..Talo na naman siya ng kaniyang Ate Rebecca,ito na naman ang nagwagi..sino nga ba naman ang kakain ng bacon sandwich gayung andami-daming masarap na pagkain ang inorder ng kaniyang Ate Rebecca..sana hindi na lang nito tinanggihan eh! ang inihanda niyang pagkain kung ayaw..pwede naman sigurong itabi na lang oh hindi na nagsalita pa..kesa yung harap-harapan nitong tatanggihan..Masakit sa puso yun ah! nabalewala yung effort niya..napahiya pa siya..
Pinagmasdan nito ang pagkain na ginawa para kay Hunter na para bang kapag tinitigan niya iyun ay magiging isang masarap na pagkain na katulad ng mga pagkain sa Restaurant..
Masama ang loob na dinampot niya ang ginawang bacon sandwich saka kinagat iyun..Masarap naman ah! gawa kaya niya iyun..saka kinuha ang pineapple juice at nilagok iyun ng isahan..ngunit may lungkot sa mga mata nito habang kinakain ang pagkaing tinanggihan ni Hunter..
Wala ba talaga siya kahit na kaunting amor man lang sa lalake,siya yung unang nagpakita ng motibo rito pero parang hangin lang talaga siya sa paningin nito...pero yung ate niya wala pa tong ginagawang effort,click kaagad kay Hunter..
"SEnyorita.akala ko ho para kay Sir Hunter yan eh bakit di nyo pa po hinahatid...gusto nyo po ba ako na ang maghatid.."ani pacita sa kaniyang señorita..
Pinukol ito ng matalim na tingin ni Margaux bulag ba ito?o sadyang tanga lang talaga at di agad makagets..obviuos naman na kinakain na niya eh!magtatanong pa.
"Nakita mo naman hindi ba?kinakain ko na.."
"haruu naku!bakit ninyo kinain,Senyorita..akala ko ba para kay Sir Hunter.."
Nangigigil na ibinalik ni Margaux ang sandwich sa plate ..
"Oh ayan,kung gusto mo kainin mo lahat yan...siguraduhin mo Pacita na mauubos mo yan at wala kang ititira."
"Talaga ho?"tuwang-tuwang sambit naman ni Pacita..bihira lamang siyang alukin ng kaniyang masungit na amo,palalampasin pa ba niya iyun..mukha pa naman special talaga ang ginawang pagkain ng kaniyang Senyorita kahit na Bacon sandwich lang iyun..
Umikot ang mga mata ni Margaux sa kasambahay kahit kailan talaga ito si Pacita,nakakaubos ng pasensya.