Bahagya na siyang nakaramdam ng pagkainip sa labas ng gate nila dahil kanina pa niya hinhintay na lumabas si Hunter ngunit ilang oras na siya doon naghihintay ay wala pa rin ang lalake gayung kanina pa niya ito narinig na nagpaalam sa kaniyang Ate Rebecca kaya naman nagmamadali siyang tumakbo palabas upang bantayan ito..
ngunit hanggang ngayon ay wala pa rin..inip na inip na siya at saka kanina pa siya hicab ng nikab dahil nakakaramdam ng antok..hindi kasi siya nakatulog maayos kagabi kaiisip sa kaibigan,ngunit kailangan niyang piliin na isinin okay ito kaysa mag-isip ng hindi maganda..sana naman ay okay ang kaniyang kaibigan..hays!
Hindi na nakatiis at tuluyan ng nainip kaya pumasok na siyang muli sa loob ng bahay .sakto namang makakasalubong na niya ang binata na kanina pa naya hinihintay na lumabas.
Napangiti siya ...iyung ngiting todo bigay talaga para mapansin siya ng lalake na kaniyang tinatangi..habang naglalapit silang dalawa ay lalong lumalakas ang dagundong ng kaniyang dibdib..hay naku!wala naman bago di ba?, basta makita niya si Hunter ganun naman ang kaniyang nararamdaman..
"Hi!"aniya ng magtapat na silang dalawa."uuwi ka na ba?"tanong niya...Ehhh!napakagat labi siya,anu ba naman tanong iyun,di ba obvious .pauwi na nga di ba?bakit kailangan pa niyang tanungin ng ganun.."Huh"
Hindi man lang siya pinansin nito...dirediretso ito na at wala man lang na pagtugon,kahit simpleng 'hi' or tango o di kaya ngiti man lang..wala!..Nakakainis!nilampasan lang siya nito...HInabol niya ang lallade at hinawakan ito sa braso.
"Ano bang problema mo?bakit ba iwas na iwas ka sa akin?kahit anong gawin ko pagpapansin,dedma lang sayo..samantalang kay Ate Rebecca ang giliw-giliw mo."ani Margaux na hindi maitago ang sama ng loob.
"Please,I'm in a hurry,I don't have time for your pagpapansin,"tahasang wika ni Hunter..
Totoo naman nagmamadali siya at wala siyang time para sa pagpapansin ng dalaga..
Busangot ang mukha na bumalik na siya sa loob ng bahay..Hindi talaga niya maintindihan kung bakit ganun na lang sa kaniya si Hunter..simula ng makilala niya ito at makita ay hindi man lamang siya nito nagawang pansinin..invisible ba siya sa mga mata nito?Mabuti pa nga sa mga katulong nila sa bahay nagagawa nito na makipag-usap samantalang sa kaniya napakadamot nito...Ano ba ang mali sa kaniya?pangit ba siya?hindi ba siya kapansin-pansin?
"Oh!bakit ganyan ang mukha mo?"nakakunot-noong tanong ni Rebecca.
"Pangit ba ako?"bulalas na naitanong niya sa kapatid.
"Ano?"anito sabay tawa.
"May nakakatawa ba sa tanong ko?"yamot na wika niya.
"Bakit mo naman naitanong ang bagay na iyan?"naiiling na natatawa pa rin ito."syempre,maganda ka..kulang ang salitang maganda dahil gorgeous ka."
"Talaga?"aniyang nasiyahan sa sagot ng kaniyang Ate..iyun naman pala eh!maganda siya, pero bakit ganun?wa-epek ang beauty nya kay Hunter,bulag ang mga mata nito.
"Oo naman,bakit malabo na ba ang salamin ng kuwarto mo..at hindi ka na bilib sa ganda mo?"pagbibiro nito.
"Naisip ko lang,siguro yung iba nagagandahan sa akin..pero yung iba hindi rin."
"So,ang ibig sabihin nun,yung mga hindi nagagandahan sayo ay malabo ang mga mata..."
Oo..siguro!pagdating sa kaniya malabo ang mga mata ni Hunter..kasi halos hindi siya nito magawang tingnan,ewan talaga niya kung bakit..hindi ba talaga ito nagagandahan sa kaniya?or talagang wala lang amor sa kaniya ang binata..may lungkot ang lumukob sa kaniyang puso..
"Oh!kanina nakasimangot,ngayon naman malungkot..ano ba ang nangyayari sayo,Marga?"
Marga'iyun ang malambing na tawag sa kaniya ni Rebecca..kahit naman hindi sila close masyado dahil malaki ang agwat ng layo ng edad nila ay masasabi pa rin niyang isa itong mabuting Ate..iyun nga lamang wala silang masyadong bonding moments nito dahil noon pa man ay pokos na ito sa pag-aaral hanggang makapagtapos ay sa trabaho naman ito nagpokos..kahit nga sa sarili nitong enjoyin ang buhay dalaga .ay zero percent ito dahil puro trabaho nalang ang inaatupag..wala nga siya nabalitaan kahit isa na may naging boyfriend ito eh!...siguro humahabol ito sa pila ng mga NBSB(no boyfriend since birth)lihim siyang napahagikhik..ang Manang talaga ng kaniyang Ate..may lalake pa kayang magugusto rito..parang walang sweetness sa katawan.. workaholic na masyado.
"Natulala ka na?"
"Huh!"
"Naku!baka naiinlove ka na huh?may natitipuhan ka na ba?"
Umiling siya..wala pa siyang balak na aminin sa kapatid na may napupusuan na siyang lalake..At walang iba iyun kundi si Hunter..baka kasi tuksuhin at pagtawanan siya nito lalo na at nakikita niyang maayos ang pakikitungo ni Hunter są kaniyang Ate,.kaya naman mas mabuti e-keep muna niya kung anuman ang special na pagtingin niya kay Hunter..saka obvious naman na magiliw si Hunter dito,hindi naman siya bulan para hindi iyun makina kung iba-iba nga lang ang makakakita iisipin na mayroon ng relasyon ang kaniyang Ate at si hunter dahil dati naman ang kaniyang papa ang kausap palagi ni Hunter tapos ngayon ay ang kaniyang Ate Rebecca na..at kung hindi lamang niya alam na tungkol sa negosyo ang pinat-uusapan nito ay tiyak na makakaramdam siya ng selos..pero nagseselos na nga siya eh!dahil sa mabuting pakikitungo ni Hunter sa kaniyang kapatid.
"Sigurado ka?"paniniyak nito.
"Oo.."pagtanggi niya...
"Kapag meron na,sabihin mo kaagad sa akin para naman makilala at makilatis ko..tingnan ko kung pasado para sa amin Papa."
Hay!kilalang-kilala mo siya,Ate..bulong niya sa sarili..kahit hindi muna kilatisin tiyak na pasado talaga ito..kaya lang mukhang ang gusto niya ay ang type walang iba kundi ang kaniyang Ate Rebecca...kaya mas mabuting sa kaniya na muna kung anuman ang nararamdaman niga para kay Hunter.
"Kapag meron na..."Aniya na wala naman balak aminin sa kapatıd na meron nga at walang iba kundi si Hunter.
"You're not too young,Marga.. you're already a lady..baka nga maunahan mo pa ako sa pag-aasawa,eh.."natatawang biro nito.
Siguro!dahil kung papayag lamang si Hunter na pakasalan siya ..right away..baka meron na siyang asawa ngayon..hindi na siya magpapatumpik-tumpik pa..kaso nga lang ang lalakeng natitipuhan niya mukhang malabo pa sa sikat ng araw na pansinin siya .pero hindi siya susuko...dahil pasasaan ba at papansinin rin siya nito..
Pero mapansin kaya siya nito gayung iba ang pakikitungo nito sa kaniya at sa kaniyang Ate Rebecca,,magiliw ito kapag ang kaniyang Ate ang kausap samantalang pagdating sa kaniya kasing lamig pa ng yelo ang pakikitungo nito sa kaniya..
Hindi kaya sa kaniyang ate Rebecca İto nagkakainteres,kasi kapag sa kaniyang Ate free ang mga ngiti at tawa nito..