Kabanata Tatlo

1000 Words
Matapos nilang kumain ay isinabay na rin niya si Maris sa kaniyang kotse dahil wala itong dalang sasakyan,hindi raw nito kayang magdrive habang magulo pa ang isipan sapagkat baka hindi lamang ito makapagpokos sa pagmamaneho at mapahamak lamang ito. habang nagmamaneho siya ng sasakyan ay nagsimula uling magkuwento si Maris.. "May hindi ka pa alam..."anitong muli sa mahinang tinig. "Ano na naman iyun?ikaw, mukhang andami ko sayo ngayon na hindi alam,parang marami kang sikreto są akin na hindi mo sinasabi...akala ko ba napag-usapan natin sa isa't isa na wala tayong dapat sikreto,remember?pero bakit ngayon ay tila marami na akong hindi alam tungkol sayo,huh!"paninita ni Margaux sa kaniyang kaibigan.. "I...I'm sorry..." "Ano ba yang hindi ko pa alam,huh?" Marahas itong napabuntong hininga,humugot muna ng hangin para masabi kay Margaux ang nais nitong sabihin..Ito ang isa pa sa mga hindi alam ni Margaux na nakakahiya talaga...but ayaw na niyang itago pa sa kaibigan ang lahat.. "Na...nakipag-one-night stand ako.." Biglang sumagitsit ang gulong ng kotse ni Margaux sa lakas ng pagpreno nito na kamuntik pa nilang ikasubsob..Mabuti na lamang ay walang masyadong nagdadaan na mga sasakyan sa lugar na iyun..Para kasing biglang kinapos ng hangin si Margaux sa kaniyang narinig kaya bigla na lamant ay naapakan niya ang preno,,Bigla Siyang kinapos ng hangin sa sinabi ng kaibigan..mas nakakashock ang Sinabi nito ngayon kesa sa ipinagtapat nito kanina na buntis ito..syempre hindi na siya magtatanong pa dahil alam naman niya na may kasintahan ito,pero yun sabihin nito na nakaipag-one-night-stand ito is shocking reveal talaga.Mabilis niyang itinabi ang sasakyan dahil baka may magdaan ng ibang mga sasakyan ay nasa gitna sila ng kalsada, bago niya hinarap ang kaibigan. "Seryoso ka ba dyan sa sinasabi mo?kasi this time parang ayokong maniwala eh,baka joke mo lang yan.."aniya na tinatantiya kung totoo ang sinasabi ni Maris..hindi naman kasi talaga kapanipaniwala na gagawin ni Maris ang makipag-one-night stand..hindi ganuon ang pagkakakilala niya sa kaibigan...pero ngayon talagang nagugulat siya sa mga ipinagtatapat into sa kaniya. Nahihiya naman tumango si Maris na hindi makatingin sa kaniya,So,totoo nga talaga at hindi ito nagbibiro..Ano kayang pumasok sa kukote ng kaibigan niya at ginawa ang bagay na iyun... "Nala...lasing ako,la..lasing ako..hindi ko a..alam ang nangyari ,ba..basta paggising ko nalang may katabi na ako a..at we both nude." "Oh my!"napasinghap si Margaux,hindi siya makapaniwala sa mga naririnig mula sa kaibigan."I can't believe it,but don't tell me na hindi ang boyfriend mo ang nakabuntis sayo kundi ang naka-one-night stand mo?" "nakakahiya man aminin pero sigurado ako na yunga naka-one night stand ko ang ama ng ipinagbubuntis ko dahil wala pa naman nangyayari sa amin ni gilbert." "Oh no!anong kalokohan itong pumasok sa kukote mo...malinaw na panloloko ang ginawa mong ito kay Gilbert.."hay naku!gusto niyang manggigil at sabunutan ang kaibigan..Gustong mawindang ng kaniyang utak at hindi kinakaya ang mga ipinagtapat nito sa kaniya.."Hindi mo kilala yun guy?" "Hindi." "Naku naman,Maris..."aniyang nanggigil na talaga sa kaibigan sa ginawa nito.."Kahit pangalan man lang o saan sya nakatira hindi mo inalam." Umiling ito. "Umalis nalang ako,iniwan ko siyang natutulog.."anito na parang batang nagkukumpisal sa nagawang kasalanan. "Alam mo ang sarap mong kutusan,o..okay na yung nabuntis ka eh..kasi may boyfriend ka naman,kaso lang ibang lalake pala nakabuntis sayo at hindi mo kilala..So,saan lupalop mo hahahapin ang lalakeng iyun gayung ultimo pangalan ay hindi mo alam." "Hi..hindi ko alam,sa..saka wa..wala naman akong balak na ipaako sa kaniya ang bata kung sakali."ani Maris na gumagaralgal ang tinig,pinipigil ang iyak na wag humulagpos.. "Nakakainis ka alam mo ba,ku..kung hindi ka pa nabuntis hindi ko pa malalaman ang lahat,sabihin mo nga,bakit itinago mo ito sa akin?akala ko ba hindi uso sa atin ang sikreto...may mga itinatago ka pa ba sa akin na hindi ko nalalaman,aminin muna sa akin lahat ngayon..para isahan nalang ang pagkagulat ko sa mga nangyayari sa buhay mo."ayaw mann ni Margaux pagsalitaan ang kaibigan dahil ayaw niyang makisabay sa sitwasyon nito,pero hindi kasi niya mapigilan ang sarili na hindi magtampo..kasi kung hindi pa ito nabuntis,wala..wala siyang alam..Okay lang naman yun,kasi kumbaga bawat tao naman may tinatawag na privacy,pero sa kanila ni Maris hindi uso ang privacy,dapat alam nila ang galaw ng bawat isa..friendship promise nila iyun..kasi kasuluksukan man ng kanilang pagkatao ay kilala nila ang bawat isa. "So..sorry,sorry talaga..nahihiya lang ako na aminin sayo,ka..kasi akala ko di naman magbubunga yung nangyari sa amin..pero di ba inamin ko na rin naman sayo ngayon,wag kana magalit.pleaseee..." Napairap si Margaux,hindi rin naman niya matitiis ang kaibigan,kahit magtampo pa siya wala na rin naman mangyayari..at saka hindi niya ito maaring iwan at pabayaan sa ganitong sitwasyon,wala na rin siyang magagawa pa sa ginawa nitong paglilihim sa kaniya.. "So, paano yan anong gagawın mo dahil wala kang ama na maipapakilala sa mga parents mo.." "Hindi ko alam kung matatanggap ba nila ako o itatakwil dahil magdudulot ito ng malaking kahihiyan sa pamilya namen,magkaakroon sila ng disgrasyadang anak."anitong napabuntong hininga ng malalim..kalungkutan ang makikita sa mga mata at walang siglang napasandal si Maris sa upuan ng sasakyan saka pumikit,hinayaan maglandas ang ilang butil ng luha sa kaniyang pisngi. Naiiling na muling pina-start ni Margaux ang sasakyan,hinayaan na lamang ang kaibigan sa pananahimik nito kaya hindi na siya nag-usisa pa..ramdam niya ang bigat na dinadala nito kaya mas minabuti na lamang din niyang manahimik at itinuo na lang ang atensyon sa pagmamaneho. Kanina pa sila naghiwalay ni Maris ngunit hindi pa rin niya lubos maisip kung ano ang gulong pinasukan ngayon ng kaniyang kaibigan..paano nito mareresolbahan ang problema ng mag-isa lang,paano nito haharapin ang mga magulang na nag-iisa lamang,walang ama na ipakikilala ang batang nasa sinapupunan nito..hays!gusto niyang maawa sa kaibigan ngunit hindi naman niya ito matutulungan upang dipensahan sa mga magulang nito dahil hindi naman na siya maaring makialam pa sapagkat usapang pangpamilya na iyun at hindi siya maaring sumalı para ipagtanggol si Maris sa mga magulang nito..ibang usapan na kasi iyun,hindi na simpleng gulo lang na nalulusutan nilang magkaibigan.Oo,hindi niya pababayaan si Maris,anuman ang mangyari ay nasa likod lamang siya nito na handang sumuporta at iyun lang ang maari niyang maitulong sa kaibigan, ang hindi ito pabayaan..
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD