Halos magsalubong ang mga kilay ni Margaux dahil kanina pa siya sa labas ng kanilang bahay nagbubusina ay wala pa rin nagbubukas ng tarangkahan..saan sulok ng bahay ba nagtago ang mga maids dahil hindi naririnig ang kaniyang busina..kaya naman inis na sinned-sunod niya ang pagbusina,wala siyang pakialam kung mabingi ang mga ito sa sunod-sunod niyang busina,mabuti na iyun at magising ang mga ito o di kaya naman ay matanggal ang dumi sa tenga ng mga ito dahil mga bingi na ata..
Nagulantang naman ang mga kasambahay na nasa likod bahay habang nagpapahinga ang mga ito,naisipan ng mga ito na magtipontipon tutal naman ay tapos na sila sa kanilang mga trabaho subalit ginulantang ng malakas at sunod-sunod na busina ng sasakyan ang nagkakatuwaan at nagkakasiyahan na mga kasambahay... nagkatarantang nagsitakbuhan sa kaniya-kaniyang sulok ng bahay ang mga ito at tanging si pacita lamang ang naiwan kaya wala naman itong choice kundi ang Siya ang lumabas..
Nagkukumahog na tinakbo ni Pacita ang tarangkahan ng marinig muli ang malakas at sunod-sunod na busina ng sasakyan dahil wala naman ibang gagawa nun kundi ang kanilang senyorita Margaux..
Nenenerbyos na binuksan nito ang tarangkahan..
Ng maipasok ang sasakyan ay kaagad na bumaba ng kotse si Margaux at binalingan si Pacita na nakatayo lamang sa di kalayuan at nakayuko..
"San ba kayo nagsusuot huh!mga bingi ba kayo at hindi ninyo marinais ang pagbusina ko."Singhal ng dalaga sa kasambahay na si Pacita.
"Pasensya na ho Senyorita,na...nasa likod bahay po ka..kasi kami kaya hindi namen kaagad narinig ang pagbusina nyo.."kanadautal na pliwanag ni Pacita sa amo.
"Letse!Ayoko ng mauulit ito,kung hindi pagbabantayin at patatayuin ko kayo ng buong maghapon sa tarangkahan...nasaan ba ang guard dito,bakit wala?"
"Eh..Senyorita,day off ho ni Manong Baste..tapos yang kapalitan naman ho niya ay biglang sumama ang pakiramdam kaya umuwi ho kaninang umaga."
"Palinisan nyo mga tenga nyo.."muli niyang singhal kay Pacita..
Napayuko na lamang si Pacita..sanay na rin naman sila sa kasungitan ng kanilang Senorita,mabuti na nga lamang ất mabait naman si don Facundo at ang kanilang Mam Rebecca tanging ang kanilang senyorita Margaux lamang ang medio may kagaspangan ng ugali at ito lang naman ang amo nila na kanilang iniiwasan..
Sa may pool area, kung saan nakikipagmeeting si Don Facundo ay nailing na lamang ito na humingi ng pasensya sa kausap na si Hunter,,dahil sa ingay sa labas.Alam niyang wala namang ibang gagawa nun kundi ang kaniyang bunsong anak na si Margaux..hay naku talaga!kahit kailan talaga ang bunso niyang anak na iyun ay palagi na lang mainipin at mainitin ang ulo..hindi marunong maghintay,ang gusto ay palaging automatiko lahat ang gustuhin nito..
"Pasensya ka na Hijo,..medyo pasaway talaga ang bunso kung anak."ani Don Facundo.
Napatango naman si Hunter pero sa totoo lang nakaramdam siya ng pagkainis sa sinasabi ni Don Facundo na bunsong anak nito,parang napakabastos naman ng pag-uugali mayroon ang anak ni Don facundo,parang hindi naturuan ng tamang asal.Sino ba ang may magandang asal na gagawın ang ganuon,well!kunsabagay ang mga kabataan ngayon ay iba na talaga ang mga pag-uugali lalo na kapag mga anak mayaman,ngunit hindi naman niya nilalahat sapagkat hindi naman ganuon ang kaniyang kapatid na si Hanna,maganda naman ang ginawang pundasyon ng kaniyang mga magulang dahil lumaki silang sagana są pangaral..ngunit hindi naman niya sinasabi na si Don facundo ay hindi, hindi naman niya ito maaaring husgahan kung paano nito pinalaki ang anak..may kaniya-kaniya naman kasing pamamaraan ang mga magulang sa kung paano nila palakihin ang kanilang mga anak.
"Ayos lang ho.."
Napabuntong-hininga ito..
"Ewan ko ba sa anak kung iyun,kung bakit palagi nalang ay pinapairal ang init ng ulo,hindi naman kami nagkukulang na magpaalala ng kaaiyang Ate kundangan lamang ay may katigasan talaga ang ulo."
"Ganuon na ho siguro talaga ang ibang mga kabataan ngayon medyo hindi na ho nadadala sa kaunting pakiusap..kailangan ay may kaunting higpit na pisil.."aniya sabay binuntutan ng pabirong tawa upang hindi naman maoffend ang matanda sa kaniyang sinabi.
Natasha ito..mukhang natura pa sa sinabi ni Hunter..
"Nagkakamali ka Hijo hindi na sya ka__"hindi na naituloy nito ang anumang sasabihin ng bigla ay may sumulpot mula sa likuran nito at hinalikan ang matanda.
"Hi,Pa.."
"Oh..you there,,ano na naman ba ang nangyari at nag-iingay ka sa labas.."
"Paano ba naman,ang mga maids pinaghintay ako ng matagal sa làbas,ang tagal nila akong pagbuksan sino ba naman matutuwa."para pa itong batang nagsusumbong sa ama."nakakairita.."
Napaangat ng kilay si Hunter pati ang kabilang sulok ng bibig nito..So,ito ang tinutukoy ni Don Facundo na bunsong anak..Anak ng tokwa aba'y hindi na ito bata..kundi batang damulag..kamuntik matawa si Hunter sa kaniyang sarili..iyun iniisip niya na baka mga disiotso or twenty lamang ito,pero sa tingin niya lagpas na ang edad nito sa kaniyang hula..Oh no..this woman is so stubborn sa unang tingin pa lamang niya at hindi pa man ay parang maatittude na talaga ang babae,sa tingin lang niya huh..
umiling-iling ang matanda saka muling bumalik kay Hunter upang ipakilala ang kaniyang anak na si Margaux sa kaniyang business partner.
"By the way,Hunter this is Margaux my youngest daughter.."
"Oh.."bulalas ni Margaux saka lamang napagtuunan ng pansin ang bisita ng kaniyang Papa,hindi niya akalain na ganito kagwapo pala ang bisita ng kaniyang Papa at sa tingin niya ay nasa mid thirties lamang ang edad nito,maybe hindi nalalayo ang edad sa kaniyang Ate Rebecca..Hmm..kadalasan kasi ay nasanay siya na halos kasing edad lamang ng kaniyang ama ang mga nagiging bisita nito kaya hindi niya eneexpect na may ganito kagwapo pala itong bisita.
"Hi."Aniya na inilahad ang palad sa lalake.
Tango lamang ang isinagot ni Hunter sa ginawang pagbati ni Margaux at tila patay malisyang hindi napansin ang nakalahad na kamay ng babae,Ewan niya pero parang bigla ang dating ng inis niya sa anak ni Don Facundo.
Napasimangot si Margaux sa ginawang pang i-snub sa kaniya ng lalake..sa unang pagkakataon ay may lalakeng inignore ang beauty niya at hindi man lang ito nag-alinlangan na gawin iyun ng harap-harapan kahit nandyan ang kaniyang ama..At nakakainis iyun..hindi porke nagwagwapuhan siya sa lalakeng ito ay palalampasin niya ang ginawa nitong pang-i-snub,dahil may araw din ito sa kaniya.