bc

Beautiful Nightmare (SPG)

book_age18+
1.8K
FOLLOW
8.1K
READ
dark
possessive
playboy
drama
tragedy
bxg
love at the first sight
like
intro-logo
Blurb

CLICK THE HEART BUTTON TO ADD THIS STORY TO YOUR LIBRARY

Eva Tolentino was hit by a car and almost died in that accident, but she survive miraculously. Ang pinagkaiba lang ay nabulag siya dala ng aksidenting iyun at hindi nabigyan ng pagkakataon na makamit ang hustisya. Naging isang bangungot ni Eva ang trahedyang nangyari. Hindi na nagkaroon ng pag-asa pa na makakita at mahanap ang taong sumagasa sa kanya dahil sa hirap ng buhay.

Her dark nightmare and blinded life were given a chance to become vivid and colorful when an ophthalmologist offers her free surgery. He is Franco, isang tanyag at mahusay na doctor na nais siyang tulungan sa di malamang dahilan. Ito na nga ang hulog ng langit sa kanya upang siya ay makakita at makamit ang hustisyang matagal na niyang pinapangarap.

Their relationship as patient and doctor ended into something that she never imagines, Franco is giving her special treatment beyond a doctor’s service, dahilan para mahulog ang loob niya sa binata.

Ngunit sa kanyang paggising matapos ang surgery ay siya ring pagkawala ni Franco na parang bula.

Sa gitna ng kanyang paghahanap ng hustisya ay dadalhin siya ng tadhana sa doctor na nagpaibig sa kanya.

Paano kung ang pag ibig na nadarama ay maglaho nang siya ay makakita? Makaya niya bang mahalin ang Franco ngayong hindi na siya bulag?

O magbubulag-bulagan na lamang si Eva para sa pag-ibig na nadarama?

Can the power of love heal the tragedy of the past? Can a single hidden beauty be outseen in the midst of their darkest nightmare?

chap-preview
Free preview
TRAGEDY
Evangeline Sa madilim at mahabang haywey kung saan walang mga bahay sa paligid bagkus ay naglalakihang mga puno ay tinawag itong ‘Karimlan Road’ dahil literal itong madilim tuwing gabi at wala pang sapat na pondo ang bayan para patayuan ito ng streetlights. Ngunit sa isang katulad ko ay sanay na akong magpabalik-balik sa daang ito, dahil ito ang daan na tinatahak ko galing bahay papunta ng eskwelahan kung nasaan ang centro at bilihan ng mga produkto. Naglalakad ako at tinatahak ang daan papuntang centro para kunin ang cake na pinagawa ni mama para sa akin dahil kaarawan ko ngayon kung kaya ang ngiti sa mga labi ko ay abot hanggang tainga. Sa pagtangka kong tumawid ay tila kay bilis ng pangyayari dahil namalayan ko na lamang ang isang nakakasilaw na liwanag galing sa kulay pulang makintab na sasakyan. Matulin ang takbo nito papalapit sa akin, ang paglaho ng mga ngiti ko sa labi ay kasabay ng pagsalpok sa akin ng sasakyan na ito dahilan para ako ay tumilapon at mapahiga sa gitna ng kalsada. Isang nakakabinging pangyayari ang nagbigay ingay sa tahimik na haywey. Sa gitna ng naghuhumiyaw na sakit sa buong katawan ko, lalo na ang aking mga mata na pakiramdam ko napasukan ng basag na salamin ay sinubukan kong humingi ng tulong. Labis na takot ang aking naramdaman sa mga oras na ito. Rinig na rinig ko ang mabilis at malakas na ingay ng pintig ng puso ko. Nang imulat ko ang aking mga mata ay hindi ko maaninag ang taong nakatalikod. Sinubukan kong itaas ang isa kong kamay. Takot dahil may ideya na ako kung bakit ito nakatalikod sa akin. “Tu-tulong… Tulungan… mo ako,” pagpipilit kong usal sa gitna ng sakit at takot na nadarama. Huminto siya ngunit nanatiling nakatalikod. “Parang awa mo… Tulungan mo ako,” bulong ko sa huling pagkakataon. Ngunit ang taong nakatalikod ay tila walang narinig na pumasok sa loob ng sasakyan niya. Sumunod na nangyari ay mabilis na umalis ang sasakyan na parang walang nangyari. Doon na ako kinain ng takot at tanging ginawa ay magdasal, huling inalala ang ina na naghihintay sa akin sa bahay na makauwi ako dala ang cake na kanyang pinagawa ng may ngiti sa labi. Sa pagpatak ng luha sa aking mga mata ay napapikit na ako at tuluyan na ngang nawalan ng malay. “Evangeline.” Napaangat ako ng ulo sa boses na narinig. Anim na taon na ang lumipas matapos ang nangyari at hanggang ngayon ay hindi mawala sa isip ko ang walang pusong tao na umalis matapos akong sagasaan. Kapag naaalala ko iyun ay nag-uumapaw ang puso ko sa galit, gusto kong makamit ang hustisya ngunit gustuhin ko man hindi ko alam kung saan ako magsisimula. “Po,” mahinang tugon ko. “Bakit hindi muna pagpapagamot ang unahin mo at ‘tsaka na natin hahanapin ang salarin sa aksidenting nangyari sa Karimlan Highway? Kapag na-operahan ka, baka sakaling mapadali ang usad ng kaso na ito. Masyadong matagal na at baka ibasura na ito ng mga imbestigador,” paliwanag ni Tito Boyet, police matalik na kaibigan ng namayapa kong ama, siya rin ay hindi nalalayong pinsan ni mama. Pilit ko mang ngumiti ay hindi ko magawa, ramdam ko ang pamumuo ng luha sa aking mga mata. “Yun na nga ho ang iniisip ko, tito. Kung papatagalin ko pa ito, baka tuluyan na ngang mabusara at hindi ko na makamit ang hustisyang hinihingi ko,” garalgal na boses ko ang dahilan para marinig ko ang mahabang buntong hininga nito. “Gagawan ko ng paraan, sa ngayon asikasuhin muna natin ang pagpapa-opera mo. Bente kwatro anyos ka pa lang, Eva. Bata ka pa at marami pang magagawa sa buhay, yun na muna ang gawin mo.” Tumango na lamang ako. Mahirap magpaliwanag, nakakapagod ding ulit ulitin na mahirap magpaopera, bukod sa kapos sa pera ay isa sa pinakamahirap ay makahanap ng donor na magma-match sa akin. “Mauna na po ako, tito.” Kinapa ko ang stick na nilagay ko sa aking tabi. Nang mahawakan ko iyun ay dahan-dahan akong tumayo. Narinig ko ang paggalaw ng upuan at tingin ko ay tumayo rin si Tito Boyet. “Ikaw lang ba mag-isa? Hindi mo kasama si Locita?” mag pag-aalala sa boses niya. “Hindi ko na po inabala, nasa palengke siya ngayon.” “Mag-iingat ka at sa gilid lang ang daan,” huling paalala niya. Nang maglalakad na ako palabas ay may naalala ako bigla dahilan para humarap akong muli. “Tito Boyet, huwag mo na lang po sanang mabanggit kay mama na pumunta ako rito para sa kaso ko.” Ilang segundo pa bago ko narinig ang sagot ni Tito Boyet, tila walang nagawa kundi sumang-ayon kahit may pagdadalawang isip. Hindi ko na nais pang mag-alala si mama, gusto niyang nasa bahay lang ako dahil sa lagay ko pero pakiramdam ko kapag nanatili lamang ako sa loob ng bahay ay mas lalo lang akong nagiging pabigat sa kanya. Nagsimula na akong maglakad, sa anim na taon ay saulo ko na ang daan pauwi. Hindi naman malayo ang police station, ngunit mahabang minuto rin ang kinukonsumo nito bago ako makarating sa bahay. Nanatili naman akong nasa gilid naglalakad habang ang stick ay ginagawa kong pangkapa sa harapan ko. Nang liliko na ako ay bigla akong nakarinig ng matinis na preno dahilan para mabitawan ko ang stick na dala at mapaupo sa semento sa takot. Ang dalawang palad ko ay nilagay ko sa aking tainga sa sobrang takot habang mariin na nakapikit ang aking mga mata. “Are you blind? Hindi ka ba marunong tumingin sa dinadaanan mo?” rinig kong sigaw ng isang babae habang papalapit sa akin. “Nitchell,” a soft voice of a man uttered in a warning tone. Marahan akong napalunok hanggang sa maramdaman kong hinawakan ako nito sa braso at tinulungang makatayo. “She is blind,” muling sambit ng lalaking tumulong na nasa likod ko at nanatiling hawak ako. I heard the woman snorted, hanggang sa marinig ko ang pagsara ng pintuan ng sasakyan. “Here,” naramdaman ko ang kamay niyang inabot sa akin ang aking stick. “Are you alright?” may pag-aalala sa boses niya. “Ayos lang ako. Sa-salamat,” may kaunting takot pa rin sa boses ko ngunit nakayanan kong tumayo ng tuwid. “Ihahatid ka na namin. Delikado na naglalakad ka mag-isa at walang nag-aalalay sayo.” Mariin akong tumanggi at tipid na lamang na ngumiti. “Kaya ko ang sarili ko. Salamat na lang, hindi ko nais makaabala sa inyo.” “No, it’s fine. We can drop you at your house, we are perfectly fine,” pagpipilit nito. Tatanggihan ko na sana siya sa pangalawang pagkakataon nang magsalita ang babaeng kasama nito. “Austin! Hurry, mali-late tayo sa lakad natin. Franco is waiting for us, ipapaalala ko lang sa iyo na it’s the anniversary of his clinic,” iritadong tawag nito. I heard the man in my front groaned in frustration. “Ahm. Got to go, mag-iingat ka. Sorry for my driver’s recklessness.” Tumango ako at narinig ko ang pagdaan ng sasakyan sa gilid ko. Nagsimula na akong maglakad pauwi, mas naging maingat at marahan ang aking lakad sa pagkakataong ito.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
69.2K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
160.1K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
99.4K
bc

His Obsession

read
75.0K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
20.1K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook