Naisip kong panahon na upang magpakita kay Blake, tutal mismong magulang na niya ang nakiusap sa 'kin. May tuwa sa dibdib ko na malamang wala nang pagtutol sa magulang nito kung magiging kami man, hindi tulad noon na nangangapa kami kung magugustuhan ba ako ng kanyang ina o hindi. "Hija, sana huwag mong hayaang masira ang pamilya ninyo dahil lang sa naging pagkukulang ng anak ko noon. Ayaw naman naming lumaki ang anak ninyo na hindi buo ang pamilyang gigisnan niya," sumamo pa ng mama ni Blake. Napapangiti ako ng lihim, hindi dahil masaya ako sa kanyang sinasabi kundi dahil naalala ko noong una kong makita si Blake. Halos ma-nose bleed aki sa kaka-english iyon pala ay marunong itong magtagalog. "Huwag po kayong mag-alala, ma'am, naisip ko na rin namang kausapin na si Blake," tugon ko.

