Agad na naramdaman ni Blake ang paglapit-lapit sa kanya o mas tamang sabihin na pagpapapansin sa kanya ng kanyang running mate na si Miss Glaiza Ramirez. Matunog rin ang mga Ramirez sa politika dahil naging gobernador na rin ng Sta. Catalina ang lolo nito at maging ang tatay nito ay tumakbong bokal at congressman sa ikalawang distrito ng bayan ng Sta. Catalina. "Sir, pwede daw po ba kayong ma-interview?" tanong ng isa sa interviewer. Ramdam na ramdam ni Blake na gaya nang narinig na tanong sa babae ay baka ibuyo rin siya rito pero hindi pwedeng umayaw sa ngayon. Kailangan niyang makipagsayaw sa tugtog na nais nila. "Sure," agad na sagot dito na kinatuwa naman ng babaeng interviewer. "Sir, we asked, Ma'am Glaiza and she admits na may crush siya sa inyo. May possibility ba na may romanc

