Naging puspusan ang paghahanda ni Blake para sa pagtakbo niya bilang gobernador, mahigpit rin ang kompetisyon sa pagitan nila ng tatakbong gobernador sa kabilang partido. Filing of candidacy pa lamang ay talaga namang mainit ang banggaan ng dalawang partido. "Anak, salamat at hindi mo ako binigo, kung hindi lang mas gusto ng kuya mo na manirahan sa London ay siya ang isasalang ko bilang hahalili sa 'kin," turan ng ama habang naghahanda sila sa pagpunta nila sa kapitolyo upang mag-file ng candidacy. "Alam kong iniisip niyo lang ang kapakanan ng bayan ng Sta. Catalina, papa, huwag kayong mag-alala dahil ipagpapatuloy ko ang lahat ng nasimulan ninyo para sa ikakaunlad ng bayang ito," tugon ni Blake sa ama. Kapwa sila napalingon ng ama nang pamansin ang pagbaba ng ina sa hagdan. Wala pa ri

