Mas lalong naging magulo ang aking isipan sa pag-uusap naming 'yon ni Gwen, may punto ito, piliin ko dapat kung saan ako liligaya pero ang hirap namang maging makasarili. Pabaling-baling ako sa aking silid at hindi malaman ang aking gagawin. ang hirap naman kasing piliin ang taong saan ka liligaya dahil maraming masasaktan, mga taong nagtiwala at nagmahal sa kabila ng aking sitwasyon. "Ganito rin ba ang pakiramdan ni Blake noon?" tanong ko sa 'king sarili. Siguro nga nahirapan din itong magdesisyon kung ano ang gagawin ang pipiliin niya ngunit biglang sumingit sa 'king isipan ang mga bagay na sinabi ni Gwen, na sa huling pagkakataon daw ay pinili ako ni Blake, ginawa nito ang lahat upang siya ay makalaya sa mesirableng buhay kasama sana siya. Napabuntong-hininga ako saka dahan-dahang um

