Unti-unting umusbong ang tensyon sa pagitan naming tatlo, hindi ko alam kung paano ko sisimulang magsalita upang maputol ang maigting na tinginan nang dalawang lalaki kaya bago pa may mangyaring hindi maganda ay tumikhim ako nang malakas. "Babe, can we talk?" mabilis kong tugpa sa espasyo sa pagitan namin ni Clint. "Alam ko na ang lahat, Lily, wala ka bang balak sabihin sa 'kin na ang best friend ko ang ama ng anak mo?" may kasamang sumbat na saad nito. "Clint, sorry," naiiyak kong wika. "Nitong nakaraan ko lang nalaman na ang best friend na tinutukoy mo noon at si Blake ay iisa. I was trying to tell you pero hindi ko kaya," sumamk ko kay Clint. Doon lang nito napagtanto kung bakit ako tingin nang tingin sa kanya kanina dahil may bagay akong hindi masabi-sabi sa kanya. "Ito ba ang bag

