Kitang-kita ng mga magulang ni Blake ang pagdurusa niya habang nakatitig sa invitation ng babaeng hinanap niya ng dalawang taon at ngayon ay ikakasal pa sa mismong bestfriend niya. "Anak, mabuti pa siguro ay magpahinga ka muna," awat ng ina kay Blake. Dama ni Bettina ang paghihirap ng anak pero wala siyang magawa upang maibsan ang paghihirap nito. "Anak, sumunod ka muna sa sinasabi ng mama mo, ayaw kong matulad ka sa Kuya Benjie mo!" bulalas ng ama. "Papa, hindi ako makakapayag na mapunta sa iba ang mag-ina ko!" gilalas sa ama. "Alam ko, anak, I saw it in your eyes pero sa ngayon kailangan mong magpahinga," bulalas ni Gov. Salazar. "Sige na, anak, please, takot na takot na kami ng papa niyo, sa dami nang problema ng pamilya natin ay ayaw na naming maulit ang mga nangyari sa kuya mo k

