Matapos kong malaman kung nasaan si Blake ay nagmadali na ako upang puntahan ito, hindi ko mapapatawad ang aking sarili kapag may nangyaring hindi mabuti. Kahit pala anong gawin kong siksik sa 'king isipan na hindi ko na siya mahal pero kapag puso na ang nagdikta ay wala ka nang magagawa pa. "Please, Blake, huwag mo itong gawin," usal kong dasal habang lulan ng taxi. Hindi pa kasi ako nagkakaroon nang pagkakataong mag-aral nang driving kahit may sapat na akong kakayahan upang bumili ng sasakyan. Nang makarating ako sa hotel ay agad akong nakipag-usap sa receptionist hinggil sa pagdalaw ko kay Blake. Mabilis naman nila akong hinayaan na puntahan ito sa kanyang hotel room. Habang nasa elevator ay hindi ko maiwasang kabahan sa maaari kong madatnan sa silid ng lalaki. Agad akong nag-doorb

