Hindi alam ni Blake ang kanyang gagawin lalo na at matigas si Lily, alam niya namang masyado niya itong nasaktan. Buong akala kapag hinalikan ito ay maalala niyang muli ang tamis nang kanilang pinagsamahan. Wala siyang ibang choice kundi ang makipagkita kay Clint at dito hingiin ang kanyang mag-ina, bahala na kung ano ang magiging kahihinatnan noon, ang importante ay gumawa siya ng paraan upang mabawi ang babaeng mahal at ang kanyang anak. Gabi na pero hindi pa rin siya makapagdesisyon kong tatawagan ito o hindi, nang sa wakas ay nakapagdesisyon ay bigla namang tumunog ang kanyang cell phone. Pagtingin roon ay nakitang si Clint ang natawag, mabilis niya 'yong sinagot. "Hello," tugon niya sa kaibigan. Masiglang tinig ng kaibigan sa kabilang linya. "Hey, where are you? Mukhang nakita ki

