Nagulat ako sa biglaang pagtawag sa 'kin ni Blake, mabuti na lamang at pinauna ko na sina Lovely at Bella sa loob ng bahay, hinatid ko pa kasi ng tanaw ang pag-alis ni Clint kaya hindi ko napaghandaan ang biglaan nitong pagsugod. "Anong ginagawa mo rito?" gagad kong turan saka ako papasok na sana sa gate ng aming bahay nang bigla niya akong hawakan sa braso sabay hila sa 'kin. Halos masubsob ako sa dibdib nito dahil sa biglaan ay nawalan ako ng balanse ngunit imbes na sa dibdib ako masubsob ay sinalubong ako ng maalab at nagliliyab nitong labi. Halos hindi ako nakakilos sa aking kinatatayuan dahil sakop nito ang aking labi, namanhid ang buo kong katawan at nalito ang aking puso't isipan. Nang maramdaman ko ang palad nitong dumapo sa 'king likod ay doon ko lang napagtanto na yakap-yakap

