Hindi ko inaasahan ang biglaang pagpapakita ni Blake sa aking shop, agad kong niyakap ang aking anak nang makaalis ito. Hindi ko alam kung bakit ngayon pa ito nagpakita, ano ang gusto nitong mangyari? Bakit ngayon pa na ikakasal na siya kay Clint. Isa pa sa ikinagulat ko ay magkaibigan pala ang mga ito at bakit hindi man lang niya nalaman. Sa loob ng dalawang taon ay wala man lang akong kaidi-ideya na matalik na magkaibigan ang mga ito. Clint never mentioned Blake's name, sa bagay, alo man din ay iniwasan kong banggitin ang pangalan nito kay Clint. "Ate, ayos ka lang ba? Umalis na siya?" bulalas ng kapatid kong si Lovely. Yakap-yakap ko pa rin ang aking anak, mabuti na lamang at hindi ito nagliligalig. "A-Ayos lang ako, mabuti naman at nagpunta ka rito," anang ko sa aking kapatid. "P

