bc

The Captain and The Prince (Completed)

book_age18+
720
FOLLOW
2.3K
READ
HE
opposites attract
arranged marriage
arrogant
badboy
heir/heiress
blue collar
drama
bisexual
mystery
loser
campus
like
intro-logo
Blurb

Max Hernandez a team captain of Eagles basketball girl. Also a famous in school because of his excellence in sports. But one day, her friend asked for a favor to pretend to be her boyfriend. Cristel is the Prince's ex-girlfriend. Max immediately agreed to Cristel's wishes. Reason for the two of them to cross paths with the Prince and look like cat and dog every time they meet. And one day, Max will never think that he will live in the same house with the person who hurt his friend. And that's the bad thing that happened in his life. To be with the Prince in the same house, his friend's ex boyfriend.

chap-preview
Free preview
Chapter 1
Kung ikaw ang tatanungin ko, ano ang magiging reaksyon mo kung bigla kanalang sasabihan ng kateam mate mo na boyfriend ka niya na hindi mo naman alam?! Mabibigla kaba dahil sa nangyayari o matutuwa ka dahil sa wakas nagkaroon kana ng syota. Pero hindi naman kayo talo e, babae ka at babae din siya! Diba kung ganyan naman ang mangyayari, magugulat ka din dahil hindi mo talaga inaasahan yung sasabihin ng team mate mo? Pero ito namang si tanga pinatulan ang sinabi niya. Alam niyo kung bakit? Dahil sa inis ko sa lalakeng habol ng habol sa kanya. Ang sungit-sungit kasi at ang yabang-yabang pa. Parang ang sarap ilibing ng buhay, pero hindi pwede dahil isa siyang ROYAL FAMILY! Pero hindi ko alam na magbabago pala ang takbo ng bubay ko dahil sa kanya. Ang dating simpleng buhay ko, naging magarbo. Ang dating normal kung buhay.. naging magulo. Kahit kailan hindi ko inaasahan na malalagay ako sa ganung sitwasyon. Alam niyo kung bakit? Ipapakasal lang naman ako sa kanya, na kahit kailan hindi ko pinangarap na makasal sa isang MASUNGIT at MAYABANG na lalake.   Eagles vs. Lions Labanan ito ng dalawang school, maraming nanunuod sa loob ng court. Ngayon kasi ang laban ng Eagle laban sa kanilang pinakamahigpit na kalaban sa basketball.. ang Lions. Siksikan sa loob ng gymnasium, kanya-kanyang sigaw ang mga manunuod sa kanilang paboritong manlalaro. Sa dami ng manunuod ang nagsipuntahan, parang championship na ang nagaganap ngayon sa loob ng gym. Bukod kasi sa Laban ng dalawang pinakamagaling na team, mismong mga manlalaro ang dinudomog ng mga estudyante, karamihan dito ay mga kalalakihan. Magagaling at magaganda ang bawat player ng team na karamihan naman sa mga ito ay mayayaman. Ngunit mas marami ang humahanga sa mga Eagles. Dahil sa bukod sa magaganda at magagaling, mga mababait pa sila. Kaya marami ang humahanga sa kanila. Si Jead ay magaling sa court at mahilig din ito sa mga babae. Madalas nga siyang kantyawan ng barkada, dahil kung naging lalake lang ito tiyak marami na siyang nabuntis. Si Leah ang pinakamatangkad sa kanilang lahat. Magaling sa paghawak ng bola at siguradong lagi itong pasok sa ring. Si Cristel naman ang kinaiinisan ng team Eagles, dahil sa sobrang sungit nito at mataray. Madalas nilang tanungin ang kanilang coach kung bakit pinapasok pa siya sa basketball. Ang sagot lang ng kanilang coach ay magaling din si Cristel sa pagbabasketball. Si Maxenne Hanna naman ang pinakamahusay sa kanila. Simple lang siya, pero tiyak na mapapagod ka dahil sa mabilis kumilos at magaling pagdating sa loob ng court. Tahimik ngunit mabagsik. Sa galing nilang maglaro, hindi pinalalagpas ng mga estudyante ang kanilang bawat laban. Mabibingi ka sa lakas ng hiyawan sa loob ng gym sa tuwing makakapuntos ang Eagles. Dinidribol ni Max short for Maxenne dahil yun ang tawag sa kanya ng karamihan, na sa kamay niya na ngayon ang bola at dinidribol ito patungo kay Jead ngunit sinalubong siya ni Manriquez. Naramdaman ni Max kung paano siya sikuhan ni Manriquez sa tagiliran. Dahil sa sakit nabitawan niya ang bola. Sa sobrang inis at pandadaya ni Manriquez sa kanya, sinuntok niya ito, dahilan para mabigyan siya ng " Foul ". Inis namang umupo si Max sa bench dahil hindi man lang ito sinita ng referee. Pakiramdam niya magkasabwat yata ang referee at Lions. " Ano ba ang ginagawa mo, Max? Nakaapat kanang foul, at isa nalang ay graduate kana! "  galit na sabi sa kanya ni coach Fim. " Sorry Coach, babawi nalang ako. "  sabi ni Max sa kanilang Coach. " Magpahinga ka muna, ipapasok kita sa last quater. " Alam ni Max na yun ang mangyayari. Kaya lang hindi niya talaga mapigilan ang sarili na suntukin si Manriquez dahil sa pagsiko nito sa kanya at pandadaya. Napatingala siya ng abutan siya ni Jead na malamig na inumin. Saka ito umupo sa tabi niya. " Bakit mo kasi yun ginawa, alam mo naman marami kanang nakuhang foul. "  sabi ni Jead sa kanya. Inis naman siyang tumingin kay Jead na nakatingin rin pala sa kanya. " Kung ikaw kayang sukuhin, hindi ka magagalit? "  inis na tanong sa kanya ni Max. Nagulat naman si Jead sa sinabi niya, dahil hindi ito alam na ganun pala ang ginawa sa kanya ni Manriquez. " Hindi lang suntok ang makukuha niya sa akin. Ipapakain ko pa sa kanya ang bola at kaliwat kanan ang suntok na aabutin niya sa akin. "  sabi ni Jead. Tumawa naman si Max sa sinabi niya. Bukod sa magteam mate silang dalawa, close pa sila sa isat-isa, kaya hindi nagkakamali na pareho silang kumilos na dalawa. Nasa harapan na ang kanilang atensyon ngayon. Nasa loob ang kanilang focus na dalawa. Sinusundan ni Max ang bawat galaw ni Manriquez. Papakawalan na sana ni Cristel ang bola sa ere ng makita ni Max na kung paano banggain ni Manriquez si Cristel kaya napatumaba ito. Akmang papasok na sana si Max sa loob ng court pero agad naman siyang pinigilan ni Jead. " Gusto mo bang hindi na makapasok sa loob ng court? "  sabi ni Jead sa kanya. Walang nagawa si Max, kundi bumalik sa pagkakaupo at muling tumingin sa harapan. " Mayabang talaga ang Manriquez na yan. "  inis na ring sabi ni Jead. " Hindi lang mayabang, talagang napakamayabang."  sang-ayon ni Max. Dahil sa pandadaraya ng mga Lions, natalo ang kapunan nila Max. Pero hindi sila papayag na ganun nalang ang mangyayari sa kanila. Babawi sila sa susunod na laban nila. Papauwi na si Max sa kanilang bahay ng gabing yun. Naabutan niya ang kanyang mga pamilya na naghahapunan na sa dining area. " O, nandyan kana pala. Halikana sabay na tayung kumain. "  sabi ng kanyang mama. Umupo naman si Max sa tabi ng kanyang kapatid. " Bakit malungkot ka. Talo kayo no? " tanong ng kanyang Kuya Tommy na may halong pang-aasar. " Pano kami hindi matatalo.. E ang daya ng kalaban namin. "  inis na sabi ni Max. " Makakabawi din kayo sa susunod, anak. "  sabi ng ama niya sa kanya. Ngumiti lang siya dito at kumain nah. Saang ayon siya sa sinabi ng kanyang ama. Makakabawi din sila sa susunod na pagharap nila.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Rain Alcantara :The Boss Thunder

read
8.5K
bc

My Evil Stepbrother Is My Ex

read
69.6K
bc

The CEO’s Nerd Secretary

read
43.1K
bc

In Bed with The Governor-SPG

read
246.0K
bc

Bedroom Series 1: IKAPITONG LANGIT (Rated SPG/ R18+)

read
40.5K
bc

The Blind Billionaire (Las Palmas Series 2)

read
93.1K
bc

The Mayor's Secret Obsession (SPG)

read
50.4K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook