Chapter 13

1359 Words
Malapit na ako sa bahay nila Cristel ng makita ko yung sasakyan ni Ivan na kakarating lang. Tumigil ako sandali malayo sa kanya yung hindi niya makikita. Inayos ko muna ang sarili ko bago lumapit don sa bahay nila Cristel. Pinusod ko yung buhok ko hanggang sa taas at saka nilagayan ng sombrero. Tamang-tama pala ang outfit ko ngayon. Loss na t-shirt na black at maong na short na maluwag na hanggang tuhod ko lang at saka tennis na shoes. Nagmunukha talaga akong lalake nito. Matapos kung ayusin ang sarili ko. Sumakay na ako sa bike ko at mabilis saka pinatakbo papunta sa bahay nina Cristel. " Sh*t " mura ni Ivan. Malapit na kasi siyang matamaan ng bike ko, na sinadya ko naman talaga siyang patamain. Hindi ko alam ang bilis palang kumilos ng lalakeng to. " Oy, nandyan ka pala tol. Akala ko walang tao. " pang-aasar ko sa kanya. Nag-iba naman ng ekspresyon ng mukha niya, parang galit na galit na yata siya ngayon. Ang dali talagang mapikon ng lalakeng to. " Ano ba talaga ang problema mo ha?! Alam mo nong isang araw kapang nang-iinis sa akin e " galit niyang sabi sa akin. Galit na siya niyan? Akala ko pa naman susugurin niya ako, tapos susuntukin niya ako sa mukha. Hindi pala. " Hindi ko alam na naiinis kana pala sa ginagawa ko sayo. Isa pa hindi ko naman kasalanan kung madali kang mainis PRINCE Ivan. " nakangisi kung sabi sa kanya. Namumula na yung mukha niya sa galit. Yung mga mata niya nanliliksik na tumingin sa akin. Ako naman pangiti-ngiti lang sa kanya na mas lalong kinaasar niya. Bumaba ako sa bike ko at itinabi ito sa may side ng pader nina Cristel. " Bakit ka ba nandito ha? " tanong niya sa akin. Humarap ako sa kanya ng seryuso. Kaya kita ko yung pagkakunot ng noo niya. " Ang tanong. Bakit ka nandito sa bahay ng GIRLFRIEND KO? " Diniin ko talaga yung huling sinabi ko, para malaman niya na wala na siyang karapatan kay Cristel. Ano ba kasi ang kailangan ng lalakeng to sa kaibigan ko? Natahimik naman siya sa sinabi ko, mukhang hindi niya inaasahan na itatanong ko yun sa kanya. Hindi pa siya nakasagot ng lumabas na si Cristel sa bahay nila. " Ivan! Max! Anong ginagawa niyo dito? " kunwaring gulat niyang tanong. Ang galing din umacting ng isang to e no? Kaya napayag niya ako sa gusto niya, dahil sa pag-acting niya. Pati ako nagugustuhan narin tong ginagawa naming pag-aacting. Mukha din kasing napapaniwala namin si Ivan sa pagkukunwari naming dalawa. * Cristel POV * Agad akong lumabas ng bahay ng sabihin sa akin ng maid namin na dumating na daw si Ivan. At may kasagutan daw itong lalake. Ang sabi ng mga katulong namin Boyfriend ko daw? Kaya alam ko na kung sino ang kasagutan ni Ivan at kung bakit hindi siya makapasok sa bahay namin. Paglabas ko ng pinto ng bahay namin. Kung hindi mo talaga kilala si Max, pagkakamalan mo talaga siyang lalake. Dahil kung titingnan mo siya sa likuran, mukha talaga siyang lalake dahil sa ayos nito. Kaya siguro hindi siya nakilala ng mga katulong namin dahil nakatago ang buhok niya sa may sombrero nito. " Ivan! Max! Anong ginagawa niyo dito? " kunwaring gulat kung tanong sa kanila. Syempre kailang kung umacting para hindi kami mahuli ni Max sa pagkukunwari naming dalawa, baka kasi mahalata kami. Lagot na naman ako nito. Napatingin ako kay Ivan. Napansin ko yung inis sa mga mukha niya. At thesame time pain, sadness at pagmamakaawa. Naawa akong makita siyang nasasaktan, pero anong magagawa ko? Ayaw ko na talagang makipagbalikan sa kanya. Hindi dahil sa nagalit ako sa pagkontrol ng mga magulang niya sa akin. Kundi dahil may mahal na akong iba. Minahal ko naman talaga siya dati e. Pero bilang kaibigan lang talaga yung nararamdaman ko. May mahal na akong iba bago pa naging kami. Napatingin ako kay Max, at masasabi kung loka-loka ang kaibigan ko. Hindi ko alam na papayag siya sa gagawin ko? At hindi naman ako nagkamali na siya yung ginawa kung boyfriend dahil ginagawa niya talaga yung part niya. At mukhang nasisiyahan pa siya sa ginagawa niya. Maloko kasi tong si Max e. Mang-aasar at mang-aasar talaga siya. Lalo na yung kinaiinisan niya pang si Ivan ang inaasar niya. " Bakit nandito yang tomboy na yan, Cristel. Pinapunta mo ba siya dito dahil pupunta ako? " seryuso niyang sabi. Gusto ko sanang matawa sa pagtawag niyang tomboy kay Max. Kaya lang baka masira ko ang atmosphere nilang dalawa at magkabukingan na. " Pinagbabawalan mo ba akong puntahan ang GIRLFRIEND KO sa bahay nila? Ha, Prince Ivan. Ikaw anong ginagawa mo dito ha? " maangas na tanong ni Max sa kanya. Itong gusto ko kay Max e palaban. Walang pakialam sa mga taong kinakalaban niya. Kahit yata Prisedente ka ng bansa hindi ka niya uurongan. Sa halip na sagutin ni Ivan ang tanong ni Max. Sa akin siya tumingin. " Cristel, pwede bang mag-usap tayo? Yung TAYO lang! " Talagang inimphasize niya ang " tayo " ha. " Ano pa ba ang dapat nating pag-usapan, Ivan. Ilang ulit ko bang sabihin sayo na AYAW ko na. " naiinis ko na ring sabi sa kanya. " Pero Cristel. Maayos pa natin to. Kausapin mo lang ako please? " pagmamakaawa nitong sabi. Kung titingnan siguro, nakababa ng pride na ang isang royal family ay namamakaawa sa harapan ko. Pero hindi naman estilo ng buhay ang pinag-uusapan namin ngayon e. Yung tungkol sa aming dalawa. Magsasalita na sana ako ng maunahan ako ni Max. " Talaga bang hindi mo titigilan si Cristel? Ilang ulit na niyang sabihin sayo na wala na kayo! Hindi ka niya mahal. Kaya kung pwede ba PRINCE Ivan layo-layuan muna kami? " naiinis na ring sabi ni Max sa kanya. Napatingin naman sa kanya si Ivan. " Sino kaba ha, boyfreind ka lang naman niya. Kaya huwag kang makialam sa amin. " naiinis na rin nitong sabi. " Oo, BOYFRIEND niya ako. At ikaw EX ka lang niya! Kaya pwede ba, kung ayaw na sayo ng tao. Huwag munang pilitin pa ang sarili mo sa kanya? Pareho lang kayong nasasaktan e. Pareho lang tayong nasasaktan dito! " Mukhang seryuso na si Max sa sinabi niya. Hanep din pala tong si Max, may nalalaman palang ganun. " Bakit ba ang hilig mong sumali sa usapan namin. Wala ka namang kinalaman dito ha. At pwede ba bigyan mo muna kami ng oras na mag-usap ni Cristel? " OP na ako sa kanilang dalawa. Sila nalang yung nag-uusap e. " At bakit ko naman yun gagawin aber? Kung alam ko namang ayaw namang makipag-usap sayo si Cristel. " Tumingin naman sa akin si Ivan. Tumango lang ako sa kanya. " Please, Ivan. Tumigil kana. Tantanan muna ako. Hindi lang naman ako ang babae dito sa mundong ito. Marami pang babae dyan na mamahalin mo at mamahalin ka din. Kaya please Ivan, tantanan muna ako? " pagmamakaawa ko sa kanya Napansin kung bahagyang bumagsak ang mga balikat niya. Umaasa parin na makakabalikan pa kami. Pero wala na talaga e, kung pagmamahal ng isang kaibigan pwede pa. Pero pagmamahal ng isang babae sa lalake? Hindi ko maibibigay yun. Hanggang kaibigan lang talaga ang tingin ko sa kanya. " Narinig mo na yung sinabi niya. Kaya umalis kana, tantanan muna kami. " sabi ni Max sa kanya. " Hindi pa tayo tapos. " seryusong sabi ni Ivan sa kanya, saka ito umalis. Oh! Oh! Mukhang mapapaaway pa yata si Max. Hindi pa man nakakasakay si Ivan sa kotse niya ng may pahabol pa si Max. " Huwag kang mag-alala, Mr. Lagi akong handa. Kaya kung gusto mo ng away tawagan mo lang ako at papatulan kita. " Napailing nalang ako sa ginagawa ni Max. Talagang makihabol pa sa pang-aasar kay Ivan. " Trouble maker. " sabi ko kay Max ng makaalis na si Ivan. " Atleast kaya kitang ipaglaban. " sabi niya. Natawa naman ako. Para talagang boyfriend ko to si Max. Mukha pa siyang lalake kung umasta. Pero masaya ako dahil naging kaibigan ko ang isang Maxenne Hernandez.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD