Hindi na ako sumama sa kanila para magcelebrate sa kanilang pagkapanalo. Gabi na rin kasi, isa pa kailangan ko pang gawin yung project namin. Kailangan ko pa yung ilagay sa scrapbook at lagyan ng kunting design. Hindi na rin pumunta yung tatlo dahil, boring daw kapag wala ako Mga loka-loka, ginawa pa nila akong clown? Ito ako ngayon sa bahay, gumagawa ng project. Naidikit ko naman lahat ng picture. Kailangan ko nalang lagyan ng kunting design. " Gising kapa? " tanong sa akin ni Kuya na kararating lang. " Makikita mo ba ako dito kung tulog na ako? " pamimilosopo ko sa kanya. Hindi niya pinansin yung sinabi ko. Sa halip lumapit siya sa akin at sabay halik sa tuktok ng ulo ko. Lagi niyang ginagawa sa akin ang paghalik sa tuktok ng ulo ko. Naging habbit na niya yata yun. " Hindi kapa ta

