Chapter 34

1315 Words

* Ivan POV * Napagising ako ng tumama sa mukha ko ang sinag ng araw. Bumangon ako sa higaan ko, pero nagtaka ako ng may kumot na ako. Sa pagkakaalala ko wala akong natandaan na nagkumot ako bago ako natulog kagabi. Hindi kaya-. Pinilig ko ang ulo ko sa naisip ko. Malabong gawin niya yun, e ang sama ng ugali non. Napatingin naman ako sa kama, dahil katapat lang nito ang sofang hinihigaan ko. Napakunot naman ang noo ko ng malaman na wala ng tao doon. Ang aga niya naman nagising? Akala ko buong tanghali yun tulog dahil sa sobrang pagod. Lumabas naman ako ng kwarto, naabutan ko yung mayordoma namin dito sa bahay. " Good morning, Prince. " bati niya sa akin ng makita niya ako. " Nakita mo si Max? " tanong ko sa kanya. " Si Princess po? Nandon po sa labas nagpapahangin. " sabi niya

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD