* Authors POV * Dahil sa ginawang eksena ni Max. Parang bumalik ang lakas ng Eagles, lalong-lalo na si Ivan na mukhang nakabalik na yata sa wisyo. Mukhang hindi na yata lutang sa sarili niya. Si Max lang pala ang kailangan nito para ganahan sila sa laro nila. Maging ang mga fans nila na kanina ay naging tahimik dahil sa score ng Eagles kanina. Ngayon ay parang nagwawala na ang mga nito, dahil nararamdaman nilang muling nabuhay ang Eagles. Natitiyak na nila ngayon na sila ang mananalo ngayong araw na ito. Third quarter na kaya medyo nababawi na ng Eagles ang score nila. Kunti nalang ang kailangang para makapantay ng score sa Cats. Napangiti naman si Ivan ng makita si Maxenne na nandon pa at nakatingin sa mga laro nila. Akala niya aalis na ito pagkatapos gumawa ng eksena. Kaya ang laki

