Natapos ang kasal na maayos naman. Maayos ba talaga? E, sa pagkakaalam ko muntik ng magkagulo non. At muntik na ding hindi matuloy ang kasal. * Flashback * Nandito na kami sa harap ng altar ngayon. Katabi ko ang peste sa buhay ko. Tahimik lang kaming dalawa at walang kibuan sa isat-isa. Bakit? Kaano-ano ko ba siya para magkakibuan kami? " Bago natin masimulan ang kasal. Meron ba sa inyo ang tutol sa kasalang ito? " sabi ni Father. As if, naman na tutol sila. E, parang gustong-gusto yata nila talagang matuloy ang kasal. Ng walang may magsalita, agad naman nagsalita si Father. " Walang may tutol sa kasalang ito. Kaya ngayon itutu- " hindi na natapos ang sasabihin ni Father ng may pumutol dito. " Sandali! " Pareho kaming napalingon ni Ivan ng may biglang sumigaw. Pagtingin ko, gayo

