Pagpasok ko sa bahay naabutan ko sina Mama sa may salla at mukhang seryuso ang kanilang mga mukha. Ano kaya ang meron at bakit napakaseryuso nila? Lalo na si Papa na ngayon ko lang nakita na ganito ka seryuso. May nangyari kaya sa company namin kaya ganyan sila? " Good evening! " bati ko sa kanila. Sabay naman silang lumingon sa akin. At napansin ko sa mga mukha nila na parang kinakabahan sila. " Anak! " malungkot na tawag sa akin ni Mama saka ako niyakap. " Ma, bakit parang anglungkot niyo yata May nangyari ba? " nagtatakang tanong ko sa kanila. " No! Walang may nangyari, anak. " sabi ni Papa. Humiwalay sa akin sa pagkakayakap sa akin si Mama. Umupo ako sa pang-isahang upuan, habang nakaharap silang tatlo sa akin. " B-bakit parang malungkot yang mga mukha niyo? " ulit kung tanon

