* Ivan POV * Napatingin ako sa mukha ng asawa ko habang natutulog. Napakaamo talaga ng mukha niya. Hindi mo akalain na napakasungit nito. Napangiti ako ng maalala ko yung pamumula ng mukha niya kanina. Hindi ko akalain na mas maganda pala nito pagnamumula yung mukha niya. Ano ba ang pinakain sa akin ng babaeng to? Ibang-iba yung nararamdaman ko ngayon, kaysa sa nararamdaman ko noon kay Cristel. Iniisip ko palang na mawala siya sa akin, parang mababaliw na ako. Iniisip ko palang na may kasama na siyang ibang lalake, parang gusto kung patayin yung lalake na yun sa mismong harapan niya. Ako lang dapat ang nag-iisang lalakeng sa buhay niya, wala ng iba! Dahil kapag mangyayari yun, makakapatay talaga ako. Hinawi ko yung ibang hibla ng buhok niya na nakaharang sa mukha niya. At hinalik

