"Good morning, everyone! Welcome to Buenosantimar Winery Company. The Company of the great tasting Wine in the world." malakas na saad ni Gianne habang nakaharap sa salamin ng kwarto niya. Nakaayos na ang susuotin niya bukas at ganoon din ang ipi-present niyang files. Lakas ng loob na lamang ang kulang. Paano ay kinakabahan siya. Sanay naman siyang makipag-usap sa mga tao. Ngunit hindi sa mga foreigners. Hindi sa malalaking tao na katulad ng investors nila. Nabalitaan niya kanina sa opisina na nabilib ang investors na ito sa CEO nila na si Maximo o ang best friend niyang si Maxine. Ayaw niyang mapahiya ang kaibigan kaya naman kailangan niyang pagbutihin. Kahit na naiilang na siya rito ay kaibigan niya pa rin ito. Muli niyang tinitigan ang sarili at saka muling nagsalita. Natapos na yata

