Habang nagsasalita si Gianne ay nagtama ang paningin nila ni Maximo sa isa't isa. Ilang segundo ring napahinto si Gianne. Ngunit mayamaya ay nakabawi rin ito sa pagsasalita. "As I was saying, to see what we could offer is to determine our capability." sabi pa niya sa mga ito. Kahit na muling bumilis ang t***k ng puso niya ay hindi niya ito pinagtuunan ng pansin. Sa huling salita na iyon ay nag-iwan siya ng ngiti sa labi habang isa isang tinitingnan ang mga ito. "Impressive." tanging sambit ng mga ito kay Gianne at Maximo habang nagpapalakpakan. Nabilib ang mga ito sa plano nilang pag-expand ng Business. Ngunit hndi pa sila nakapipili ng lugar kung saan nila itatayo ang extension branch ng Plantation. Kung sa Cebu ba o Iloilo. Dalawa lamang ang napili ng mga investors bukod sa La Union.

