"Cheers!" sabay-sabay na iniangat ng pitong magkakaibigan ang mga wine glass nila. Ngayon ang muling pagkikita-kita nila yate nina Octavo. Ramdam ni Maximo ang pag-iwas ni Gior sa kanya ang best friend niya. Hindi siya mapakali kung bakit siya iniiwasan nito. Kahit papaano man lang sana ay sabihin nito kung bakit. Ngunit kahit sumagi man lang ang paningin nito sa kanya ay hindi nangyari. "Bro, may nangyari ba na hindi namin alam?" tanong ni Zach sa kaibigang si Maximo. "Like what?" pamaang na tanong niya. Kahit naman alam niya na tinutukoy nito ay si Gior. "Napapansin ko kasi na nag-iiwasan kayo ni Gior. Parang may something." sabi naman ni Zach. "I don't know. Hindi ko siya iniiwasan." iyon lang ang nasabi niya at naiirita na siya sa babaeng linta na kanina pa hawak ng hawak sa dibdi

