"Hi Maxi---I mean, Sir Maximo." bati ni Gianne rito. Bumati na rin sina Bertha at Cameron na halos magkasabay pa. "Good afternoon, Mr. Buenosantimar." saad nila. Hindi naman makatingin ng diretso si Maximo pero bumati naman ito na may seryosong mukha. "Good afternoon." tipid na sabi nito. "Hi Bruce." bati pa ni Gianne sa sekretaryo ni Maximo. At dahil nakita niya si Maximo ay mas gumanda ang araw niya. Sa wakas ay alam niya na ang paglabas nito sa opisina kaya may pagkakataon siyang matulungan ito. "Hello, Ms. Gianne." sabi naman ni Bruce sa dalaga. "Gianne na lang. Ito naman." saad naman ni Gianne at mqy paghampas pang kasama na tila close na sila nito. Napalunok naman si Maximo sa ginawa nito. Pinagsisisihan niya ang pagpayag kay Bruce na kumain sa baba ng building. "Hi, Sir." hind

