Sinabi ni Gianne ang lugar kay Maxine at hiningi rin ang contact numbers ng mga ito. Nagagalak silang natapos na ang paghahanap nila. Nais nilang matulungan si Maxine na magbalik ang alaala nito. Hindi man alaala na pagiging parte ng mga Buenosantimar ay alaala naman ng normal nitong buhay. Pagkatapos nilang mag hiking ay nagpaalam nang umuwi na sina Zach, Ben at Ester. "See you in Manila, Bro." saad ni Zach sa kaibigan niya. "Gianne, take care of Maximo. If anything comes up, call me." sabi nito sabay abot ng Business card nito. Nailing na lamang si Maximo. Alam niyang iba ang ibig sabihin ni Zach doon. Paano ay habang nagsosolo sila at nag-uusap ang magbest friend na sina Maxine at Gianne ay kinukulit siya nito. "Bro, no words need. Eye contact can be the sole proof of your feelings.

