Ilang minuto pa ay narating na nila ang waterfalls. Nakarating na sila ni Maxine rito noon. At dito niya uang nakita na nagladlad ang best friend niya. Although ramdam na niya na hindi ito straight ay ni-respeto niya ang pagkatao nito at hinintay na kusang magtapat. "Best..." tawag ni Maxine sa dalaga habang nagtatampisaw sa tubig. "Kung hindi ako si Maximilian... Matatanggap mo pa ba ako bilang best friend mo?" napaisip naman si Gianne kung ano ang ibig sabihin ni Maxine. "Anong ibig mong sabihin? Ikaw naman iyan." sabi pa niya habang sinasalok ang tubig ng kamay niya. "Dzai, ang hirap mo namang maka-gets." sabi nito sa tumayo sa tubig. Paano ay nasa mababaw lang naman sila. "Ang ibig kong sabihin ay kung hindi ako straight." umiirap pa ang mga mata na sabi nito. "Paanong hindi stra

