Chapter 2 - Crazy but Loving Friends

1118 Words
“Seriously, bro?” hindi makapaniwalang sambit ni Giordano – ang best friend niya sa kanya. Kasalukuyan silang nasa Andrade Villa Island and Beach Resort or AVIAB Resort na pag-aari nito. Nakasilong sa ilalim ng isang puno na maraming dahon dahil sa tirik na tirik na araw. Isa ito sa araw na hindi kapiling ni Maximo ang kanyang ina dahil may outing silang magbabarkada. Habang abalang magtampisaw ang mga kaibigan nilang sina Roch, Jason, Pariston, Zach, at Octavo, ay abala naman si Gior sa pag-interrogate sa kanya. “Hindi mo sinipot ang blind date mo?” naiiling na tanong nito. Kahit kailan talaga ay walang kahilig-hilig si Maximo sa babae. Napaka-manly ng pangalan niya pero wala man lang ka-interest interest sa babae. “You’re crazy, Bro! You know that?” saad pa nitong muli na ikinatawa ni Maximo. “I’m not interested. I have plans and girls are just hindrances with those. I don’t think I need one.” giit ni Maximo sa matalik na kaibigan. Pareho sila nitong habulin ng mga babae pero ang pinagkaiba nila ay hindi siya interesado sa kahit sino. Dalawa lang ang kilala niyang babae. Si Aling Guillan Buenosantimar – ang kanyang ina at si Aling Midred Destina – ang kanyang kasambahay. Hindi niya nga maalala ang mga pangalan ng mga babae sa opisina. Hindi dahil sa may sakit siyang kalimot. Kung hindi ay dahil wala siyang pakialam sa kanila. Ang trabaho ay trabaho at hindi naman din siya direktang nakikipag-usap o nakikipag-deal sa mga ito. Kaya nga may HR Department e. Ano pang silbi nila kung pati siya ay makikialam sa pag-hire ng mga empleyado. At sinigurado niya qualified at maaasahan ang nangangalaga sa pag-hire ng empleyado kaya tiwala siya sa mga ito. At siyempre lalaki rin ang mga tao sa Human Resources – maliban sa mga tinatanggap ng mga ito na empleyado. Basta ang mga nasa posisyon ay lalaki lamang. “It isn’t bad to have a girlfriend though. Someone who will take care of you when you are sick. When you’re unable to decide what to wear. They’re best in that category.” saad pa nito na animo’y eksperto sa mga babae. Palibhasa ay bihasa ang fiancee nito na si Chanel sa ganoong bagay. Naiiling na lamang si Maximo. Naisip niya na kung taga-alaga lang naman sa may sakit ay kayang-kaya niyang mag-hire ng nurse. At kung pagpili ng susuotin ay kayang-kaya niyang mag-hire ng designer. “Are you guys going to join us or what?” napalingon silang dalawa nang lapitan sila ni Pariston –ang isa sa mga kaibigan nila. He doesn’t believe in love kaya naman bihira nila itong makausap pagdating sa love life. Kung babae rin lang ang pag-uusapan ay mas gugustuhin pa nitong pag-usapan ang trabaho o next na outing nila. Nang makalapit si Paris sa kanilang dalawa ay eksakto naman na may dumaang bata na may dalang water gun. Nang makita ito ni Paris ay parang batang agad na inagaw nito sa bata ang laruan at pinagbabasa ang dalawang kaibigan. Huli na nang mapansin ng bata na naibalik na sa kanya ang laruan niya. Tulala lang itong nakatitig kay Paris. Napatingin naman siya sa bata at pinandilatan ito ng mata saka nagsalita. “What?” agad na nanakbo ang bata nang magbalik ang ulirat sa pagkagulat. Nanakbo rin sina Maximo at Giordano para habulin si Paris dahil sa pagbasa nito sa kanila. Puting sando at berdeng surfing shorts na may burdang mga surf board ang suot ni Maximo. Lingid sa kaalaman ng magbabarkada na hilig niya ang surfing. Kahit ang best friend niya ay hindi ito alam. “I thought you’ll spend all day chatting. Come on, guys! Let’s enjoy. We seldom have time together and let’s not waste our time with none sense things.” saad naman ni Jason – ang isa sa pinaka-masungit nilang kabarkada. College pa lang sila ay ganyan na siya pero hindi naman iyon naging hadlang para hindi sila magka-sundo sundo. “Paminsan-minsan, it isn’t bad to talk about girls though.” singit naman ni Zach – siya ang pinakababaero sa lahat. Hilig niyang i-reto si Maximo sa kung kani-kaninong babae na kakilala niya. Paminsan ay inirereto siya nito sa mga investors nito. Ngunit wala talagang ka-interes interest si Maximo. Kahit pakitaan pa siya ng legs ng mga ito or maghubad pa sa harapan niya. “Whatever, guys.” naiiling na sabi Maximo sa mga ito. Makukulit talaga ang mga barkada niya lalo na kapag nagsama-sama sila. Daig pa nila ang mga bata sa kakulitan. Kahit na mga successful na silang tao at may sari-sariling kumpanya ay hindi sila nakalilimot sa isa’t isa. Nang mapansin ni Maximo na mag-isa si Roch ay nilapitan niya ito. Naroon kasi si Roch may hindi kalayuan na nagsosolo sa pagtatampisaw. Minsan ay tahimik talaga ang taong ito at hindi mo alam kung ano ang tumatakbo sa utak nito pero joker rin ito kapag inabot ng ka-toyo-an ang utak. “Oh, bakit nagsosolo ka riyan?” tanong niya rito. Ilang segundo rin yata ang itinagal bago ito tumingin sa kanya. Tingin na dismayado. Hindi malaman ni Maximo kung dismayado ito dahil lumapit siya o dahil naistorbo ang pagmumuni-muni nito. Mayamaya pa ay may umangat na bubbles sa bandang likuran nito at nagsimulang mangamoy ang paligid. Masangsang na amoy na tila kahapon pa hindi nailalabas. “So gross! Ang baboy mo! Loko ka talaga kahit kailan.” mabilis na nagtakip ng ilong si Maximo para mabarahan ang pang-amoy niya. “Sino ba kasing nagsabi sa iyo na lumapit ka rito?” natatawang sagot ng bipolar na si Roch. Kahapon pa masakit ang tiyan nito pero hindi naman siya tinatawag ng kalikasan. Hindi na siya nakadalaw sa doctor dahil sa pagmamadali ng mga ito sa outing nila. “Because I thought you need company. I didn’t know you're about to throw a bomb.” hindi na napigilan pa ni Roch na humalakhak. Umiral na naman talaga ang pagka-toyo niya. Paano’y nasobrahan yata siya katatawa kanina habang magkakasama sila nina Jason, Paris at Zach. Nang paparating na sina Gior at Maximo ay nakaramdam siya na kailangan niyang maglabas ng masamang hangin. Hindi naman niya alam na lalapit si Maximo sa kanya. “Let’s join them.” nguso ni Roch sa limang kaibigan na nagbabasaan ng tubig. Ang tatanda na nila ngunit hindi nagbago ang samahan nila. Makulit pa rin at maloko. Agad silang nakisali sa lima na nagkakagulo. Halos maghapon din sila sa beach kaya naman naisipan nilang mag-bar. As usual si Zach ang pasimuno.   
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD