Kinabukasan ay maagang nagising si Maximo para maghanda ng sarili para sa pagpasok sa opisina. Hindi niya kaya ang madaliang pagligo kaya naman maaga siyang mag-asikaso. Kahit pa kakaunti o marami ang tulog niya ay maaga siyang nagigising.
Kailangan ay nakuskos niya ang buong katawan niya ng panghilod na bigay ni Manang Mildred sa kanya. Nasanay na siyang gamitin ang mahiwagang batong ito. Sabi ni Manang Mildred ay mabisang pangtanggal ito ng mga dead skin.
Hindi naman sa masyado siyang vain. Talagang maalaga lamang siya sa katawan. Sinong makapagsasabing isa siyang bilyonaryo? Sa malaking banyo niya ay matatagpuan ang batong ito na nagmula pa sa probinsya ni Manang Mildred – ang La Union.
Wala siyang kaarte-arte sa paggamit ng ganoon lalo na at kung ikagaganda ng kutis niya. Ayaw na ayaw niya iyong may nakikitang libag sa katawan lalo na sa siko, tuhod at singit. Dahil maaga siyang nakapag-asikaso ay maaga rin siyang nagtungo sa opisina. Suot ang kanyang pink na long sleeve na natatakpan ng itim na suit.
Bumagay sa bagong bili niyang itim na relo – na binili niya pa sa abroad noong may business trip siya sa France. Marami kasing masasarap na wine roon at hindi rin lingid sa ibang kumpanya roon ang kanyang business. Best tasting wine ba naman sa buong Pilipinas. Bumagay rin ang bagong style niyang buhok na naka-brush up at nasa side ang bangs.
"Ang pogi talaga ni Sir, no?" tila kinikilig pang sambit ng isang empleyado na matagal nang may gusto kay Maximo.
Matandang dalaga ito na walang pinantasya kung hindi ay ang abs ni Maximo na makalaglag undies at ang mala-bato nitong masel na ikinukubli sa loob ng suit nito. Paano’y nakita na ito ng matandang dalagang ito noong may company outing sila. Hindi siya maselan makihalubilo sa mga tao pero kadalasan sa lalaki. Hindi siya pala-dikit sa babae. Ayaw niya ng issue at ayaw rin niyang mapikot.
"Kaya nga. Ilang oras kaya sa gym si Sir." sambit ng isa pa na kumikinang pa ang mga mata nitong nagsalita habang nakatitig sa naglalakad na si Maximo.
"Pogi nga. Juding naman." nagkatinginan ang limang empleyadong nag-uusap-usap nang pagkasambit ng isa'y lumingon ang CEO nila na si Maximo Guiller Buenosantimar sa kinaroroonan nila at sinamaan sila ng tingin.
“Narinig kaya niya tayo?” bulong ng mga ito sa isa’t isa. Ramdam nila ang paglamig ng paligid na tila ba may yelong bumalot sa buo nilang katawan. Nang matapos silang titigan ni Maximo ay muli sila nitong tinalikuran.
"See!" sambit ng isa pang babaeng empleyado nito na patay na patay rin kay Maximo – matapos na maglaho ang CEO sa paningin nila.
Agad na sumaklolo naman ang secretary ni Maximo na si Bruce para sawayin ang mga ito. Narinig man sila ni Maximo o hindi ay si Bruce na ang bahalang kumastigo sa mga tsismosang empleyado, sanay na si Bruce sa mga ito. Paminsan ay napagkakamalan pa silang may relasyon. Paano’y pangalan pa lang ay brusko na.
“May problema ba tayo mga girls?” tanong nito sa mga empleyado.
Dahil sa laki ng masel nito ay hindi nakapagsalita ang mga babae. Agad na nag-disperse sila at nagsipuntahan sa kani-kanilang opisina. Kung hindi lang nila alam na graduate ng c*m laude ang secretary ng CEO nila ay iisipin nila na bouncer ito sa isang club or isang bar. Nang magsi-alisan ang mga ito ay agad na nagtungo si Bruce sa opisina ng boss niya.
“Did you recognize those employees?” agad namang tumango si Bruce.
“Let their department heads remind them that gossiping is not allowed in this company.” seryosong saad ni Maximo sa secretary niya.
“Yes, Sir. I will send them the reminders.” sagot ni Bruce pagkatapos ay ipinaalala ang meeting ni Maximo sa mga investors.
Halos lahat ng schedule niya ngayong araw ay meeting conference sa iba’t ibang farm and vineyard owners. Bukod sa pinalalawak niya ang mga sakop niyang winery ay pinalalawak din niya ang sakop niyang vineyard. At isa sa pinakamalaking vineyard niya ang ang vineyard sa La Union na talaga naman dinarayo ng mga tao at foreigners. Dito rin niya itinayo ang pinakamalaking winery niya.
“And before I forget. I don’t allow hiring any female employees for this month.” nanlaki ang mga mata ni Bruce sa sinabi ng boss niya. Balak pa naman niyang i-refer ang girlfriend niya sa opisina nila. Matanda kasi siya ng limang taon dito at kaga-graduate lamang nito pero mukhang kailangan nitong maghanap ng ibang mapapasukan.
“Did you hear what I said? You seem occupied.” agad na tumango ito sa amo niyang suplado. Kung hindi lang malaki ang offer sa kanya rito ay siguradong iniwan na niya ito. Isa pa ay dapat babae ang secretary nito at kung bakit ba naman lalaki pa ang napili nito.
“Kung sabagay. Sulit naman ang suweldo.” bulong ni Bruce.
“Are you saying something?” usisa ni Maximo na tarantang sinagot naman niya agad.
“Nothing, Sir. We’re all set. Let’s proceed to the conference room for the meeting.” iginiya niya ang amo niya sa meeting room at siniguradong kumpleto na ang mga ka-meeting nito dahil ang ayaw sa lahat ni Maximo ay nali-late at hindi plantsado ang bagay-bagay.
Halos araw-araw ay ganito ang buhay niya sa amo niya. Hindi lang malinaw sa kanya kung bakit siya ang ni-hire na secretary instead na babae. Hindi rin malinaw sa kanya kung bakit tila may allergy ito sa babae. Wala pa yatang naging girlfriend ito kahit once. Sa edad nitong trenta y kwatro ay binata pa rin ito. Isa lang ang nasisigurado niya. Pusong babae ito at hindi ito marunong ma-in love sa babae. Bigla siyang napayuko at napatitig sa ibaba ng tiyan niya at napaisip.
“Hindi naman siguro ako ang type ni Sir?” bigla na lamang siyang napailing sa isinaad ng isipan niya. Sa limang taon niyang pag-stay sa company na ito ay never pa naman siyang na-harass ni Maximo. Hindi pa rin naman siya nito hinipuan o na-tyansing-an.
Nang makarating sila sa conference room ay agad silang pumasok sa loob at nagsitayuan ang mga investors ng iba’t ibang company sa iba’t ibang lugar sa Pilipinas. Marami ang humanga sa ipinalabas sa screen na history ng kumpanya. Nagsimulang mag-discuss ng panibagong plano para sa Buenosantimar Winery ang head ng production. At ang panghuli ay ang pagpapakilala sa utak ng kumpanya.
“Welcome to Buenosantimar Winery! Where the best-tasting wine in the Philippines is produced. I’m Maximo Guiller Buenosantimar, the CEO and owner of this company.” at nagpalakpakan muli ang lahat.