Ang ugat ng halos lahat ng problema ay ang hindi pagkakaintindihan. Lahat tayo may kanya-kanyang opinion, kaya minsan ang iba, nagtatalo-talo dahil sa pagkakaiba ng kanilang pananaw.
Minsan nakakapagod ring makipag-usap sa isang taong makitid ang utak. Iyong taong walang iniisip kundi ang sarili niya, at sa kanyang utak kahit saang angulo ay tama siya.
Hindi niya alam, nakakasakit na pala siya ng tao dahil sa kitid ng kanyang utak. Mas maganda na lamang ang tumahimik kesa makipagtalo na alam mong wala namang patutunguhan.
Hindi lahat ng tao nakakaintindi sa'yo, mas mabuti pang makinig na lamang tayo kesa isatinig ang nasa ating isipan.
Ngunit kadalasan, tayo na nga ang nagpapakumbaba, tayo pa ang tinatawag na walang modo.
Tanghaling tapat ngunit naglalakad si Asta sa ilalim ng sikat ng araw, sumbrero lamang ang nagsisilbing panagang niya sa mainit na panahon.
Patungo siya sa kwarto ni Patricia para ayain na itong umalis. Hindi naman siya ganoon ka sama para iwanan ito, alam niyang wala itong pera. Isa pa, nagpapasalamat siya at naligtas siya ng babae doon sa baliw na muntik nang manghalay sa kanya.
Kahit nagtalo sila ay hindi niya matiis ang babae. Hindi naman hangang langit ang taas ng kanyang pride para huwag itong kausapin.
Ngunit nang katukin na niya ang kwarto nito ay ibang mukha ang bumungad sa kanya. Nataranta siya at nagulantang, maling kwarto ba ang kanyang napuntahan?
"Sino po kayo?" may pagtatakang tanong ng isang batang lalaki habang nakatingala sa kanya.
"Baby boy, sino yan? Sina Tita mo na ba yan?" rinig niyang tanong ng isang babae mula sa loob.
"Hindi po mommy, hindi ko 'to kilala eh. Ang laking mama po nito!"
Napangiti na lamang siya ng alanganin nang takang sumilip ang isang babae. May nagdududa itong tingin sa kanya na tila ba isa siyang masamang tao, hinila nito ang anak at itinago sa likod.
Umiyak ang kanyang puso sa nasaksihan. Ate, hindi po ako kidnapper!
"Pasensya na, kwarto kasi ito ng kasama ko. Ano, kanina pa ba kayo nag check-in dito?"
Napatango ang babae. "Hindi, ngayon-ngayon lang. Iyong babaeng naka-dress siguro ang kasama mo? Nagkasalisihan lang kasi kami, sinauli niya ang susi doon sa receptionist at saktong puno ang lahat ng rooms at ito nalang ang bakante."
Umalis si Patricia ng hindi nagpapa-alam sa kanya? Saan naman kaya pupunta iyon, eh wala naman 'yong pera? Nagpasalamat siya sa babae at bumalik sa kanyang kwarto. Niligpit niya ang mga gamit para umalis.
Hahanapin niya ito, hindi nito galamay ang lugar at wala itong pambayad ng sasakyan!
Dahil ba sa kanya kaya nito naisipang umalis? Kapag may mangyari talaga sa babaeng iyon, hindi na niya kailangan magpatiwakil dahil papatayin siya ng konsensya niya!
Kinausap niya ang receptionist matapos isinauli ang susi.
"Miss, iyong kasama kong dumating kagabi, nakita mo ba kung saang banda siya pumunta?"
"Ay sir, hindi ko po nakita eh. Naku po, hanapin niyo kaagad, kawawa naman 'yong jowa mo, mukha pong nagmamadaling umalis eh."
Hindi na niya itinama ang sinabi nitong kasintahan niya si Patricia. Nagmamadali na lamang siyang tumawag ng masasakyan.
Hindi niya alam kung saan ito hahanapin, wala siyang number ng babae na pwede niyang tawagan. Hinanap niya rin ang f*******: account nito, may mga account na lumitaw ngunit hindi naman mukha ng babae ang nasa picture.
Buong tanghali siyang naghanap, pinagtatanung na niya ang kung sino-sino, nagbabakasakaling baka nakita ng mga ito ang babaeng hinahanap niya. Pahirapan pa dahil wala siyang maipakitang picture kaya deni-describe na lamang niya ang pisikal na anyo nito.
Hapon na nang mapagod siya kakahanap, naisipan niyang mag book nalang sa hotel para makapagpahinga. Nakalimutan na niyang bisitahin ang Jardin de Señorita sa sobrang pagaalala para sa babae.
Paakyat na siya sa kanyang hotel room nang may makakasalubong siyang pamilyar na mukha. Huli na para lumihis ng daan dahil nakita na siya nito at mabilis na nakalapit.
"Asta! What a surprise! Dito ka rin nakapag-book ng hotel room?"
Napangiwi siya. The woman is smiling brightly at him na parang wala itong ginawang kababuyan sa kanya. Napilitan siyang tanguan ito dahil pinagtitinginan sila ng mga tao, ang lakas kasi ng boses ng babae.
"It's good to see you here, Liz," nanghihinang bati niya dito. Her evil smile is now plastered in her face, the glint in her eyes shouts danger.
Sa lahat ng babaeng nakilala ni Asta, ito ang pinaka-aggressive at masakit sa ulo.
Malakas ang pagkakahampas nito sa kanyang braso. Pakiramdam niya ay may naiwang marka ng kamay nito sa kanyang balat, hinimas niya ang parteng nasaktan. Tumatawa pa ang babae na parang may sinabi siyang nakakatawa.
Wala na ang mahinhing kilos nito, napalitan na ng mas nakakatakot at nakakapanindig balahibo!
"Ano ka ba, ako lang to no!"
Maliksi siyang umiwas nang magtangka itong kumabit sa braso niya. Napahinto ang babae at tinignan siya ng masama. Tingin palang nito, nakakamatay na!
"I need to rest, see you around!" No, please don't appear before me again! Kulang nalang ay takbuhin niya ang elevator para makatakas sa baliw na babae.
Nang lumingon siya dito para tignan ang reksyon nito, kumakaway ito sa kanya habang malaki ang ngiti. Nag-flying kiss pa ang gaga! Pinandirihan si Asta at mabilis pumasok sa elevator.
Kung sana ay nandito si Patricia, kanina pa nito napalayas ang kampon ng kadiliman na iyon!
'Patricia, magpakita ka na sa akin, please. Hindi na ako makikipag-away sa'yo, promise!' piping bulong niya habang pumapasok sa kanyang hotel room.
Hindi niya pa rin makalimutan ang ginawa ni Liz. Unang beses niyang halos halayin ng babae! Ang akala ni Asta ay mga manyak na lalaki lang ang marunong manghalay, iyon pala may myembro palang babae!
Bumabaliktad na yata ang mundo. Hindi na ligtas ang mga kapwa niya Adan!
Pabagsak siyang humiga sa kama sa sobrang pagod ng katawan. Dumagdag pa ang stress niya dahil kay Liz.
These past few months, nahihirapang makatulog si Asta dahil sa mga nangyari, kaya naman he's seeking for the help of sleeping pills to welcome the dreamland.
Habang tinitignan ang bote ng sleeping pills, naalala niya ang kapatid na babae. Namatay ito dahil sa overdose, kung iinumin niya kaya lahat ng laman ng bote, makakapagpahinga na kaya siya?
Minsan naiingit siya sa mga taong patay na. Iniwan na ng mga ito ang mundong puno ng problema. Naisip niya minsan, may buhay ba pagkatapos ng kamatayan?
Anong mangyayari sa mga kaluluwang nilisan na ang kanilang mortal na katawan?
Mga katanungang walang kasagutan. Puro na lamang tanong si Asta. Kung bakit buhay pa siya, kung bakit siya nalang mag-isa, kung bakit palagi siyang iniiwan ng mga taong mahal niya.
Ito ba ang dahilan ng kanyang buhay?
Para masaktan at iwan? Para magdusa at mabuhay mag-isa?
Bakit pa siya nabubuhay, kung ganito lang rin naman ang mangyayari sa kanya?
Mabigat ang buntong hiningang tumagilid siya ng higa.
"Malungkot ka na niyan?"
Nahulog siya sa kama sa sobrang gulat. Bumulaga kasi sa kanya ang mukha ni Patricia na sobrang lapit sa kanya. Nakatagilid ito nang higa at sinilip siya sa ibaba ng kama.
"Tinanong ka lang, gulat ka naman kaagad."
Hindi niya talaga mabasa ang babaeng ito. One minute she's nowhere to be found, the seconds after bigla na lamang itong sumusulpot sa kung saan.
This time, sa loob mismo ng hotel room niya, at sigurado siyang nag lock siya ng pinto bago humiga. Mahirap na at baka may Liz na bigla siyang pasukin at halayin.
Hindi niya naramdaman ang pagsulpot ng babae, hindi niya rin narinig ang pagbukas sara ng pinto. Pero useless lang naman kung magtanong pa siya, alam niyang hindi na naman ito sasagot at titignan lang siyang parang siya pa ang nababaliw.
"Saan ka ba galing?" He decided to ask her while standing up. "Alam mo bang kanina pa kita hinahanap?"
Nagkibit balikat ito at tinignan siyang pinupulot ang mga nahulog na sleeping pills. Plano na niya itong itapon dahil nadumihan na. Alangan namang inumin niya pa ito, eh nadikitan na ng mikrobyo.
"Diyan lang sa paligid," kalmadong saad nito. "Nakaka-enjoy ka ngang panooring magbilad sa araw, eh."
"Ano?! Nanonood ka lang pala, habang ako halos masunog na sa kakahanap sa'yo?!" Hindi talaga siya makapaniwala sa babaeng ito.
Ang lakas ng loob nitong sabihin pa sa kanya ang ginawa nitong kalokohan. Akala ba nito ay nakakatuwa iyon? Hindi masamang umalis pero sana naman ay mag-aral itong magpaalam!
"Sino ba kasing nagsabi sa'yong hanapin mo ako?"
Oo nga, sino ba kasing nagsabi sa kanyang hanapin niya ito?! Napakunot noo na lamang siya at tumahimik. Wala siyang maisagot dito dahil siya naman ang parang tangang kusang hinanap ito.
Wala na rin siyang magawa, hindi sila magka-ano ano kaya wala siyang karapatang pangaralan ito.
Napabuntong hininga na lamang siya at humiga sa tabi nito. Hinayaan lamang niya ang babaeng nakatagilid ng higa sa kama niya at nakatitig sa kanya.
Walang kaso sa kanyang tabi sila matulog, alam niyang wala itong masamang balak sa kanya. Kung meron man, sana noon pa nito ginawa.
"Ano namang iniisip mo kanina?" kausap ng babae sa kanya. "Gustong-gusto mo na talagang mamatay, ano?"
Napalingon siya dito. "Paano mo nalaman?"
"Nababasa ko ang isip mo," seryosong sagot nito.
Natatawa na lamang siyang umiling. May napapansin si Asta. Sa tuwing nawawala ang babae, ay ang mga panahong wala sa isip niya ang pagpapatiwakil, pero sumusulpot naman kaagad ito kapag may planong umuusbong sa isipan niya.
Pero hindi katiwa-tiwala ang sinasabi nitong nababasa ng babae ang kanyang isipan. May tao bang kayang bumasa ng isip? Sa mga palabas lamang iyon at hindi totoo.
"Asta," biglang sumeryoso ang tono nito kaya napalingon siya. "Kung hindi mo kaya, huwag mong pilitin. Isatinig mo ang iyong mga katanungan, at pakikingan kita."
"Makikinig ka lang? Kahit ikaw, hindi mo kayang bigyan ng kasagutan ang mga tanong ko."
Pinitik nito ang kanyang noo, ngunit walang naramdamang sakit si Asta. Ni-hindi nga niya alam kung guni-guni lang bang pinitik nito ang kanyang noo.
"Ang sabi ko makikinig ako, hindi ako guro na kayang sagutin lahat ng tanong mo."
Napangiti na lamang si Asta at pinigilang matawa sa hitsura ng babae. Maganda pa rin ito kahit nakakunot ang noo.