Kabanata Onse

1572 Words
Minsan sa buhay kailangan rin nating huminto muna at huminga. Huwag na nating ipagkailang may mga pagkakataong gusto na nating takasan ang malupit na katotohanan. Masaya naman siya noong nabubuhay pa ang mga magulang niya. Pantay ang pagmamahal na binibigay nila sa kanilang magkapatid. Lahat ng kailangan nila binibigay ng mga ito. Mahal na mahal niya ang pamilya niya. Ngunit hindi naman pwedeng palaging masaya lang ang lahat. May pagkakataong naga-away away sila, hindi magkaintindihan kaya nagsasagutan. Mahirap at mabigat sa dibdib kapag hindi kayo maayos sa mga mahal mo. Ito iyong mga pagkakataong gusto niyang tumakas at pumunta sa lugar na walang nakakakilala sa kanya. Gusto niyang huminga ng preskong hangin. Iyong malayo sa polusyon at tahimik ang lugar. Iyong puro bundok at mga kahoy o halaman lang ang nakikita niya. Iyong wala siyang inaalalang problema, kalungkutan o kasiyan. Asta yearned for peace. At hindi niya aakalaing makukuha niya ito kapalit ng buhay ng mga mahal niya. Naisipan niyang sa tanghali nalang muna bumalik sa Jarden de Señorita para makapagliwaliw muna sila dito. Naligo na rin siya sa maliit na pool na nasa likod ng kwarto niya. Hindi niya alam kung saan na naman nagpupunta si Patricia. Matapos siya nito pigilan sa kanyang balak ay bigla na naman itong nawala. Saan ba ito nagsu-suot? Sumusulpot lang kapag gusto nito, hindi ba nito naisip na may naghahanap sa kanya? Hindi niya ito hinahanap no, baka may mga kamag-anak lang na naghahanap dito. Nakakarelax maligo sa pool lalo na kung masyadong peaceful ang paligid. Hindi naman mainit sa pwesto niya dahil may malaking puno na katabi ang pool. Malamig rin ang hangin kahit mainit ang paligid. Unang beses maranasan ni Asta ang ganito. Lumalabas naman sila magpamilya noon, sumasama rin siya kapag may gala ang mga kaibigan niya na minsan niya lang makita, pero kakaiba pa rin talaga pag ikaw lang mag-isa. Masarap sa pakiramdam. Nakapikit siya habang hinahayaang nakalutang ang katawan sa tubig. Sapat na ang laki ng pool para sa limang tao, ngunit hangang bewang lamang ito. "Hi, mag-isa ka lang?" Nilingon niya ang nagsalita at nakita ang isang babaeng nakangiti ng matamis sa kanya. Unti-unti siyang tumayo para maayos na makipag-usap dito. "Nope, may kasama ako. Hindi ko lang alam kung saan pumunta," gumanti rin siya ng ngiti. Mahinhing humagikhik ang babae. Pinasadahan niya ito ng tingin. Nakasuot ito ng two piece red swimsuit. Lutang na lutang ang maganda nitong katawan at ang nagmamalaking dibdib. Hangang balikat lamang ang buhok nitong tila ilang beses dinaanan ng plantsa. "Do you mind if I'll join you?" kemeng tanong nito sa kanya. Umiling lamang siya at ngumiti rito. Dahan dahan itong lumusong sa tubig. Sumisid ito sa ilalim para basain ang ulo at muling umahon. Umiwas na lamang siya ng tingin dahil tila nanga-akit itong ngumiti pa sa kanya nang mahuling nakatitig siya. "I'm Liz, and you are?" Tinangap niya ang nakalahad nito na kamay. "Asta." "Nice to meet you," binaba na nito ang kamay at sumandal sa gilid ng pool habang naka-upo. Hanganh dibdib lang nito ang tubig kaya lutang na lutang ang malalaki nitong pakwan. "What can you say about this place, Asta?" pagsisimula nito ng usapan. Kibit balikat lamang siya at tumugon. "It's wonderful," tipid na sagot niya. Umalingawngaw sa paligid ang mahinhing tawa nito, pinisikan pa siya nito ng tubig sa mukha habang tumatawa. Hindi na lamang siya nag-react kahit nagtataka, wala namang nakakatawa sa sinabi niya. "You're so tensed, loosen up a bit, Asta!" pabirong saad ng babae. "I know we're strangers, but come on, tayo lang dalawa dito, let's talk naman." Ah, ano nga bang nangyayari sa kanya? Sanay naman siyang nilalapitan ng mga babae, kahit wala nga siyang gawin ay may babaeng nagkukusang lumapit sa kanya. Pero iba ang pakiramdam niya ngayon, hindi niya maipaliwanag. Nasaan na ba kasi si Patricia? Bakit ba kasi palagi nalang itong nawawala?! Dumikit si Liz sa kanya at kumapit pa sa braso niya. Sinadya nitong ikiskis ang dibdib sa kanyang braso. Hindi siya makatingin dito, naninindig ang balahibo niya! Hindi na siya virgin at sanay na siyang nilalandi ng mga babae pero pakiramdam niya ngayon ay nagtataksil siya. Ano bang nangyayari sa kanya?! Maingat niyang kinalas ang kamay nitong nakalingkis sa kanya at dumistansya. Tila siya binuhusan ng malamig na tubig dahil sa pamumutla. Nang tignan niya ang mukha ni Liz, may naglalarong ngisi sa mga labi nito. "Are you a virgin?" Kumunot ang noo niya sa tanong nito. "What?" Pinagkrus nito ang braso sa dibdib. "Ako na ang nagkusang nagbigay ng signal sa'yo pero lumalayo ka pa rin, mga virgin lang naman ang hindi sanay sa ganoong galaw eh." Hindi na niya nagugustuhan ang pinagsasabi nito. Nang dumating palang ito kanina ay may naririnig na siyang warning bells sa utak niya, pero dahil maginoo siyang lalaki ay ipinagsawalang bahala niya na lamang iyon. Pero hindi niya inaasahang kahit ilang minuto pa lamang nang magpalitan sila ng pangalan, susungaban na kaagad siya ng babae. Mas baliw pa ito kesa kay Patricia eh! "Stop it, woman," madiing utos niya rito habang lumalayo. Para kasi itong mangangain ng tao habang unti-unti siyang nilalapitan! "If you want me to stop, prove it to me that you're not a pathetic virgin," nagawa pa nitong ngumisi sa kanya! Bigla niyang pinagsisihang kinausap pa niya ang babaeng ito. Napaka-aggressive! Mabilis itong nakalapit sa kanya at niyakap siya. Diniinan nito ang dibdib sa kanya at tumingkayad para abutin ang kanyang labi. Halos himatayin si Asta sa ginawa nito. Pilit niyang nilalayo ang mukha at tinutulak ang babae. Hindi naman niya ito matulak ng malakas dahil na-trauma na siya sa ginawa niya kay Patricia. Kulang nalang ay sumigaw siya ng tulong! May humila sa babae palayo sa kanya kaya nakahinga siya ng maluwag. Tinignan niya kung sinong anghel ang tumulong sa kanya, laking gulat lamang niya nang makitang si Patricia iyon. "Ano? Buhay ka pa?" Tango lamang ang naging tugon niya bago dali-daling umahon sa tubig. Tinignan niya ang babae, pwersahang nilubog ni Patricia ang ulo nito sa tubig kaya para itong kiti-kiting hindi mapakali. Binitawan lamang nito ang ulo ng babae nang makita nitong nakaahon na siya. Malakas na suminghap ang babae at hinabol ang hininga. "Who are you?! Ano bang problema mo?!" Sinamaan ito ng tingin ni Patricia. Pati siya ay napalunok nang makita kung gaano kasama ang titig nito sa babae. Napahinto naman si Liz, nakaramdam ito ng hindi niya maipaliwanag na takot habang nasa ilalim ng tingin ni Patricia. "Umayos ka kung ayaw mong pagsaluhan ka ng daan-daang demonyo." Kinilabutan si Asta sa sinabi nito. Napasunod na lamang siya sa babae nang umahon ito sa tubig at naglakad paalis. Halatang galit ang babae dahil mabigat ang bawat hakbang nito, hindi pa rin nawawala ang talim sa mata at lahat ng nakakasalubong nila ay gumigilid. Humihingi na lamang siya ng pasensya gamit ang mata sa mga taong nadadaanan nila. May narinig pa siyang babaeng humahagikhik habang nakatingin sa kanila. Hindi nakaligtas sa pandinig niya ang ibinulong nito sa kasama. "Ang guwapo ni kuya, kaso mukhang jowa niya yung sinusundan niya. Bagay sila!" Narinig pa niya ang sagot ng kasama nito habang papalayo na sila. "Kaso mukhang may LQ!" Huminto sila sa harap ng kwarto ni Patricia. Sumunod siya rito hangang sa loob ng kwarto. Hindi niya maintindihan ang sarili kung bakit niya ito sinundan at binabagabag ang kanyang kalooban. Mukha siyang guilty sa nangyari, pero ano bang kasalanan niya? Hindi naman niya kasalanang halos halayin na siya ng babaeng iyon. Nakalimutan na nga niya ang pangalan non eh! Wala siyang masabi rito kaya parang tuod na nakatayo lamang siya sa may pinto. Saka lamang niya napansing basang basa pala sila pareho. Humagilap kaagad siya ng tuwalya at binigay sa babae. Tinignan lang nito ang inaabot niya kaya nagaalinlangang nagsalita siya. "M-mag palit ka muna ng damit, babalik lang ako sa kwarto ko." Mukhang wala itong balak kunin ang tuwalya kaya nilapag nalang niya ito sa tabi ng babae bago alanganing dumistansya. Babalik na sana siya sa kwarto niya nang magsalita ito. "Ang lakas ng loob mong bumalik sa kwarto mo habang nandoon pa ang babaeng muntik nang manghalay sa'yo." Hindi alam ni Asta kung anong sumapi sa kanya nang sinagot niya ng pabalang ang babae. "Anong gusto mo? Dito ako sa harap mo magpalit ng damit? Anong ipapasuot mo sakin, yang dress mo?" Mas tumalim ang titig nito sa kanya at biglang naglakad papunta sa maleta nito. May nilabas ito ng isang pares ng panlalaking short at t-shirt at tinapon sa pagmumukha niya. "Damit lang pala ang problema mo, yan! Isaksak mo sa baga mo!" Inis niyang sinalo ang damit bago pa ito tumama sa kanya. "Ano bang problema mo ha?! Bakit ka sumisigaw?!" "Ikaw ang problema ko! Nalingat lang ako sandali, muntik ka na naman mamatay!" Kumunot ang noo niya sa sinabi nito. "Anong mamatay?! Napaka-nega mo!" May namamatay ba sa ganoong panghahalay?! Kung babae siguro siya ay may tsansa pang papatayin siya ng hahalay sa kanya. "Hindi mo ako naiintindihan," kumalma na ang babae at umopo sa kama. Nakatalikod ito sa kanya at mabigat ang bawat paghinga. Hindi niya ito maintindihan. May mga katanungan siyang unti-unting namumuo sa kanyang isipan. Huminga na lamang siya ng malalim at pumasok sa banyo nito dala-dala ang damit na binigay ng babae. Hindi niya maintindihan kung bakit sila nag-aaway. Pero mabigat sa dibdib ngayong hindi sila magkabati. Nalilito na siya, hindi na niya maintindihan ang sarili niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD