Kabanata Trenta'y Uno

1113 Words

"Pumasok po muna kaya tayo?" Sinamaan niya ng tingin ang investigator bago tumabi para makapasok ito. Sumalampak kaagad ito sa sopa at pinaypayan ang sarili. Nanatili siyang nakatayo sa harap nito at nameywang. Kinakalkal nito ang dalang bag at nilapag sa mesa ang isang file na halatang sobrang luma na at may mga lumipad pang alikabok. "Ewan ko ba at ang malas ko ngayong araw sir, pero sa wakas ay nadeliver ko na sa iyo ang files na hinahanap mo! Sana matahimik na ang kaluluwa mo, sir." Hindi na niya pinansin ang pinagsasabi nito at umopo sa tapat para tignan ang files na dala nito. Pagbuklat niya sa folder, tumambad ang lumang papel na nagkukulay brown na. Maingat niya itong hinawakan at baka isang buklat niya lang ay mapupunit ito. Autobiography ang pinakaunang papel, may picture ng

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD