"What the hell do you mean?!" Napabangon siya sa sobrang gulat. 1920's? Panahon pa ito ni Manuel L. Quezon ah! Nagdadalawang isip na si Asta kung legit ba itong investigator na nakuha niya or na-scam lang talaga siya. Kahit saang banda mo tignan, imposibleng may taong nabuhay na ng ganoon ka-tagal! Kung meron man, siguro ay uugod-ugod na ito ngayon ay naka-wheelchair na! Patricia is young, he's sure of it kahit hindi niya alam kung ilan ang saktong edad nito. Her smooth skin proves it all! "Niloloko mo ba ako?!" Galit na sigaw niya sa kabilang linya. "That person you're pertaining to must be the wrong one. The one I'm looking for is a lady around 20 years of age! Not a century!" "Kamukhang-kamukha po ng babaeng nasa picture ang sketch na binigay mo sir. Sir, huwag naman po kayong mag-

