Nakakapagod mabuhay lalo na kung wala ka namang dahilan para mabuhay. Malungkot at puno ng pait, na tila ba lahat ng nasa paligid mo ay walang kulay.
Dumadating sa buhay natin minsan ang kawalan ng pag-asa. Nawawalan tayo ng ganang lumaban dahil napapatanong ka na lang sa sarili mo, para saan pa? Bakit ba ako nagpupumilit umahon, kung wala naman itong silbi?
Nakakalimutan natin ang goal natin sa buhay kapag kinakain tayo ng lungkot, nawawalan tayo ng ganang magpatuloy dahil pinanghihinaan tayo ng loob.
Ang sabi nila, happiness is a choice. Kung mas pipiliin mong huwag umalis sa kinatatayuan mo, hindi ka magiging masaya. Kung mas iisipin mo ang hirap na dinaranas mo, hindi ka makakaahon.
You know what’s interesting and sad at the same time about life?
With thousands of strangers that you walk past by every day, you never know which one of them is struggling to find one last reason to continue living. You never know which one of them is already tired fighting their own demons.
Let's not die without achieving our goals. Let's satisfy ourselves before be bid goodbye to the world. Let's find happiness amidst the chaos.
Nung araw na iyon, naisipan ni Asta na dumiretso sa Cebu. Total ay nandito na rin naman sila sa Mindanao, bakit hindi nalang nila libutin ang lugar?
Tinanong niya si Patricia kung sasama pa rin ba ito sa kanya, tumango lamang ang babae habang antok na antok pang nakahiga sa kama. Hindi na lamang niya ito inistorbo at niligpit ang mga gamit.
Hindi niya alam kung saan nilagay ng babae ang kagamitan nito, wala naman siyang nakitang gamit pambabae na naligaw sa hotel room niya kaya nakakapagtaka talaga.
Nang sinilip naman niya ito para tanungin, mahimbing na uli ang tulog nito.
Naisipan na lamang ni Asta na lumabas para kumuha ng makakain. Mukhang busog na busog naman ang kasama niya, sa dami ba namang ng kinain nito kanina, sinong hindi mabubusog?
Naghanap siya ng malapit na restaurant pero puro fast food restaurants lang nahanap niya. Hindi niya feel kumain ng fast food ngayon kaya sa karinderya nalang siya kumain.
"Hello!"
Napaangat siya ng tingin mula sa kinakain. Tumambad sa kanya ang isang petite na babaeng may hawak na tray. Nakangiti ito sa kanya, ngiting friendly ngunit may halong hiya.
"Pasensya na, pwede bang makiupo dito? Puno na kasi ang ibang mesa."
Tumango siya dito. Malaya nitong hinila ang monoblock at umopo. Inayos nito ang dalang pagkain at nag sign of the cross. Natigilan siya at napatitig sa babae. Naalala niya si Patricia na nag dasal rin muna bago kumain gaya ng ginagawa nitong babae.
Tahimik niya na lamang pinagpatuloy ang pagkain dahil gutom na gutom na talaga siya.
"Siya nga pala, ako si Yna. Ikaw, anong pangalan mo?"
Sinulyapan niya ito. "Asta."
"Talaga?!" Napakunot ang kanyang noo dahil tila na-excite ang babae. "Magkatulad kayo ng pangalan nung character sa pinapanood kong anime!"
Tumango na lamang siya. Hindi siya interesadong makipag-usap dito. Hindi niya ito hinayaang umopo sa harap niya para lang daldalin siya.
Wala namang mali sa babae. Mukha naman itong desente at sincere. Hindi katulad nung nakilala niyang akala niya santa yun pala may tinatagong kamanyakan.
Maganda si Yna at napaka-soft ng features nito. Para itong hindi makabasag pingan, ngunit napapangiwi siya dito dahil sa kadaldalan ng babae.
Akala niya ay hindi na titigil ngunit bigla itong tumahimik. Napaangat siya ng tingin at nahuli itong seryoso siyang tinitignan. Tinaasan niya ng kilay ang babae.
"Nakita kita kaninang may kasamang babae."
Kunot noo lamang ang naging tugon niya. Ano naman kung may kasama siyang babae? Baka si Patricia ang nakita nitong kasama niya.
"Asta, may ginawa ka bang isang malaking kasalanan?"
Mas lalo lamang kumunot ang noo niya. Saan naman ang koneksyon ng kasalanan niya kay Patricia? Pakiramdam ni Asta ay kilala nito si Patricia kaya binaba niya ang kobyertos at binigay dito ang buo niyang atensyon.
"Kilala mo ba iyong kasama ko?" maingat na tanong niya. Nadismaya siya nang umiling ang babae.
"Hindi ko siya kilala. Sagutin mo muna ang tanong ko, Asta."
Sumandal siya sa monoblock para tignan ito ng maayos. Ito ba ang dahilan kaya siya nilapitan ng babae? O coincidence lang ang lahat? Hindi naman ito nagsinungaling kanina na puno na ang mga mesa, ngunit nakakapagtaka lang ang mga sinasabi nito.
"Ano namang kasalanan ang mabigat na para sa'yo?" balik na tanong niya.
Pinilig nito ang ulo, tinignan siya nito ng puno ng pagdududa. "Maraming mabibigat na kasalanan sa mundo, iba't-ibang klase at iba't-ibang dahilan. Katulad na lamang ng..." tumitig ito sa kanya, seryoso ang mga mata na tila nananakot ng isang musmos na bata. "Pagpapakamatay," dugtong ng babae.
Kinilabutan siya doon ngunit hindi siya nagpahalata. Kinakabahan siya sa babaeng ito, tila marami itong alam sa mundo na hindi alam ng mga ordinaryong tao.
Idagdag pa ang mukha nitong sobrang seryoso na tila may pinag-uusapan silang krimen.
"Ano naman ang connect niyan sa kasama ko?" Lakas loob na tanong niya.
Ginaya ng babae ang kanyang posisyon. Sumandal ito sa monoblock at pinagkrus ang braso sa dibdib.
"Marami, pero hindi ko sasabihin sa'yo."
Bigla itong tumayo at pinagpag ang damit. Sinundan niya ng tingin ang mga kilos nito, puno ng pagtataka ang kanyang isipan habang tinitignan ang babaeng biglang kumausap sa kanya ng ganoon.
Hindi nga baliw ang nakilala niya pero dagdag naman ito sa listahan niya ng mga weirdo.
"Sige! Aalis na ako," paalam ng babae, bumalik ang friendly nitong ngiti sa mukha. "Nalaman ko na ang gusto kong malaman. Paalam, Asta!"
Sinundan lamang niya ng tingin ang babae habang papalayo ito. Napansin niyang sobrang puti ng balat nito dahil halos kuminang ito sa ilalim ng araw. Nang tignan naman niya ang pinagkainan nito, halos walang nabawas.
Napapitlag siya nang may malamig na kamay na pumatong sa balikat niya. Paglingon niya ay nakita niya si Patricia na seryosong nakatingin sa bulto ng papalayong babae.
"Kilala mo yun?" Hindi niya napigilang itanong.
Nang lumingon ang babae sa kanya, sinamaan siya nito ng tingin. Napaisip tuloy siya kung may nagawa ba siyang mali o nasabing hindi nito nagustuhan. Sa talim kasi ng tingin nito, kulang nalang bumulagta siya.
"Huwag kang nakikipag-usap sa kung sino-sino," babala nito at kusang niligpit ang iniwang mga pagkain ni Yna. "Hindi mo alam, baka kaluluwa na pala ang nakakausap mo."
Napaubo siya sa sinabi ni Patricia. Hindi naman mukhang kaluluwa si Yna, sa totoo lang papasa pa itong anghel. Kung titignan, magkasing-ganda lang rin sila ni Patricia.
"Tapos ka na ba diyan? Halika na, umalis na tayo rito."
Tumayo siya at sinundan ito. Nakita niya pang pinakain ni Patricia ang mga pagkain sa asong kalye na tumatambay sa karinderya.
Mabilis niyang hinabol si Patricia. "Aalis ako ngayon, sa Cebu naman ang punta ko. Sasama ka ba?"
"Natural sasama ako. Kailangan kitang bantayan, baka kung ano na namang masamang hangin ang lalapit sa'yo."
Pinigilan niyang ngumiti sa sinabi nito at inakbayan ang babae. "Uy, possessive siya," tukso niya pa dito.
Pati siya ay hindi makapaniwala sa sarili. Hindi niya ugaling manukso ng tao kaya hindi niya aakalaing magagawa niya ito kay Patricia.
"Alisin mo ang kamay mo kung ayaw mong maputulan ng braso."
Mabilis niya naman naibaba ang braso at pasimpleng itinago sa likod. Hindi niya alam kung totohanin ba nito ang sinasabi, pero para makasigurado ay dumestansya na rin siya ng ilang hakbang dito.
Isang sulyap lamang ang itinuon nito sa kanya habang naglalakad papasok sa hotel na pansamantalang tinutuluyan nila. Hindi na niya nakikita si Liz dito kaya medyo nakahinga siya ng maluwag.
Umakyat sila sa kanyang hotel room para kunin ang kanyang maleta. Laking gulat na lamang niya nang makita ang maleta ng babae na katabi sa maleta niya. Sigurado siyang wala ang maleta nito nang lumabas siya kanina.
"San galing yan?" Turo niya sa kahinahinalang maleta ng babae.
"Sa langit," Pilosopo naman nitong sagot. "Nakapag-book ka na ba ng flight?"
Tumango na lamang siya at tahimik na kinuha ang mga maleta nila. Pagdating nila sa Cebu ay gabi na. Pagod na pagod si Asta ngunit ewan na lang niya sa kasama, mukhang wala itong kapaguran dahil postorang postora pa rin ang tindig nito.
Mabuti nalang at nakapag-book na rin siya ng hotel room kanina. Naghanap sila ng masasakyan ngunit punuan ang mga taxi at palagi siyang nauunahan ng ibang pasahero.
Naglakad na lamang sila papunta sa highway para doon mag-abang. May dumaan na kalesa kaya napasunod ang tingin niya dito.
Sa gulat ni Asta, bigla na lamang nilapitan ni Patricia ang kabayong humihila sa kalesa. Natigilan ang lalaking may-ari ng kalesa, napahinto naman ang kabayo dahil sa pagharang ni Patricia.
Dali-dali niya itong nilapitan ngunit naglagay siya ng distansya. Mahirap na at baka masipa pa siya ng kabayo.
"Patricia, anong ginagawa mo?!" pasigaw na bulong niya rito. "Hali ka na rito!"
Hindi nakinig ang babae sa kanya at nagawa pa nitong hawakan ang kabayo, puno ng pag-iingat ang paghawak nito.
"Kawawa ka naman..."
Pati siya ay natigilan sa sinabi ng babae. Napasulyap siya sa matandang nasa kalesa, natulala ito kay Patricia.
"Ang hirap ng buhay mo. Nahihirapan ka na ba?" kausap nito sa kabayo.
"Patricia, ikaw, nababaliw ka na ba?! Bakit mo kinakausap ang kabayo, hindi naman nagsasalita yan!"
Lumingon sa kanya ang babae at nilahad ang kamay. "Pahingi ng singkwenta."
Napatanga na lamang siya dito. Anong gagawin nito sa singkwenta? Ipapakain sa kabayo?! Pakiramdam niya ay hihimatayin siya sa sobrang kunsimisyon.
Dumukot siya ng pera sa wallet, wala siyang singkwenta o kaya ay one hundred kaya iyong fibe hundred nalang ang binigay niya.
Akala niya ay may bibilhin ito ngunit dumiretso ito sa matandang nakatanga sa kanila at binigay ang pera.
"Umuwi ka kayo at huwag na kayong mamasada bukas. Pagpahingahin mo ang kabayo mo."
Pagkatapos nagaalanganing tangapin ng matanda ang pera ay mabilis na naglakad palayo si Patricia. Walang nagawa si Asta kundi sundan ito.
"Saan ka na naman pupunta?!" Tawag niya sa babae.
"Sa hotel na tutuluyan natin," sagot nito sa kanya ng hindi lumilingon.
Huminto si Asta at tinignan itong naglalakad palayo. Huminga siya ng malalim, relax ka lang Asta, babae yang kasama mo, relax! Kausap niya sa sarili.
"Hindi diyan ang direksyon ng pupuntahan natin!"
Mabilis itong napahinto at bumalik sa dinaanan. Huminto ito sa harap niya at parang maamong tupa na tiningala siya.
Napahilot na lamang siya ng sintido.