SPECIAL CHAPTER: BLACK BLOOD

3878 Words
Gusto mo bang hindi makaramdam ng emosyon? Iyong wala kang mararamdaman kahit sakit, pighati at kalungkutan. Pagod ka na bang mabuhay kaya gusto mo nalang tapusin ang paghihirap mo? Lahat naman siguro ng tao nagaasam ng maganda at mapayapang kinabukasan. Pero balanse ang mundo. Lahat tayo makakaranas ng paghihirap sa iba't ibang paraan. Isa sa mga naiisip ng iba ay ang mawalan sana sila ng pakiramdam. Siguro ang saya nun. Iyong wala kang iisipin kasi wala ka namang nararamdaman. Iyong hindi ka masasaktan kasi hindi ka naman naaapektohan. Siguro ang payapa ng buhay kapag ganyan nga. Pero... Para kay Raven ay ang hirap. She was diagnosed with Alexithymia, isang uri ng sakit sa pag iisip kung saan wala kang mararamdaman na kahit anong emosyon. Ang parte ng utak na responsable sa emosyon, social skill at ang kakayahang makaramdam ng emosyon ng iba ay hindi gumagana o kaya ay may humaharang dito. Bata pa lang si Raven ay napansin na ng mga magulang niya ang kakaiba sa kanya. Katulad rin naman siya sa ibang bata na umiyak noong ipinanganak, ngunit habang lumalaki siya ay maynapapansin ang mga magulang niya. She's not a talkative baby, hindi siya tumatawa kahit pa magmukhang unggoy ka sa harap niya. She only plays with her toys or rather just holds it. Umiiyak lang siya kapag humihingi ng pagkain. Mas lumala ang hinala ng mga magulang niya noong aksidente siyang mahulog mula sa kama. Hindi man lang siya umiyak kahit nasaktan na. Nakatitig lang siya sa mga magulang niya habang hindi gumagalaw. Marami pang mga aksidente ang nagpapatunay na may mali sa kanya. Six years old siya noon at namamasyal sila sa park. Mag isang naglalaro si Raven habang ang mga magulang niya ay binabantayan siya. Biglang may lumapit na aso sa kanya at tinahol siya. Her parents did not come to her rescue, they want to see what will be the young Raven's reaction. She didn't even bulged. She just stared at the dog while it's barking furiously at her. Nagkatinginan ang mga magulang niya at noon ay nakapagdesisyon na ipapatingin siya sa doktor. Their family are not that rich. Maraming iba't ibang business ang papa niya, housewife naman ang mama niya kahit graduate ito ng accounting. They were able to provide what Raven needs. She took medication, therapy and check ups but nothing changed in her. When she was ten, for the first time, she finally asked her parents for a favor. She asked to stop her medication. Alam niya kung anong mali sa kanya. Alam niya kung anong kulang. But because of what she lack, wala na rin siyang pakealam. Wala siyang pakealam kasi wala naman siyang nararamdaman kaya hindi niya alam kung gaano ito ka importante. And so they stopped her medications even though her parents were against it. Wala silang nagawa kasi ito ang gusto niya. She stopped going to hospital. She stopped taking medicines. She stopped the therapy. But her life is not easy. She suffered bullying from elementary to highschool. They called her names. They pulled a pranks on her. Her response were always the same. Blank face, lifeless eyes, she didn't even shed a tear. She just starred at them. Dahil may sira siya sa utak kakaiba din ang pagiiisip niya kaysa mga normal na tao. She took several martial art class. Tumatakas siya sa bahay sa tuwing sumasapit ang gabi at tulog na ang lahat. In an underground society, she found her refuge. She found satisfaction when she's on action. Despise her illness, she can't believe she found something she learned to enjoy. And that is to fight. But it didn't last long. When she entered college her parents discovered what she has been doing every night. Umiyak ang mama niya, hindi niya alam kung anong mali sa ginagawa niya pero nakiusap itong itigil na ang kung ano mang ginagawa niya. Hindi niya naiintindihan ang magulang niya pero nakinig siya sa mga ito. She stopped her activities and tried to focus on college. Raven was invisible. Walang bullies na nangugulo. She sat at the very corner of the room. She had no friends to accompany her. She's totally ok with her life. She's contented kahit na may sakit siya. Second year college came, sa kalagitnaan ng first sem may student na nag transfer. And then Dash Gregorio happened. MADILIM ang paligid. Tanging sinag ng buwan lang ang nagbibigay liwanag sa tahimik na alley. Mag isang naglalakad ang isang taong nakasuot ng itim na coat habang natatabunan ng hood ang mukha nito. Nakapamulsa at kampante ang bawat hakbang nito na sinasabayan ng tunog ng suot nitong boots. Ang kalyeng ito ay abandunado. Sa umaga ay walang nagtatangkang dumaan o pumasok man lang dito dahil sa mga sabi sabing maraming namatay sa lugar na ito at nagmumulto ang kanilang kaluluwa. Maraming nakakalat na basura, mga daga na pinagpye-pyestahan ang mga dumi, ang kanal ay natambakan na ng mabahong likido. Sa umaga ay tila normal na abandunadong kalye lamang ito, pero sa gabi ay maraming aktibidad ang nangyayari dito. Iniiwasan ng mga tao ang lugar na ito. Hindi dahil sa mga sabi sabing may multong gumagala dito kundi dahil totoong marami nang buhay ang nawala sa kalyeng ito. Tak. Tok. Tak. Tak. Tok. Tanging tunog lang ng kanyang boots ang maririnig sa tahimik na lugar. Ang mga daga ay nagtatago kapag siya ay mapapadaan. Dinadala ng hangin ang mahaba niyang coat at noong siyay huminto upang tignan ang buwan ay tumambad ang kanyang mukha. May makinis siyang balat, katamtamang kapal ng kilay at matangos na ilong. Ang kanyang labi ay manipis at nababahiran ng itim na kulay. Nakatingala siya sa buwan at nakatitig na tila may nakikita siya doong nilalang. "Nandito ka na pala." Bumaba ang tingin niya sa may ari ng boses. Nakatayo ito hindi kalayuan sa kanya at sa likuran nito ay may mataas na bakod. "Bilisan mo, malapit ng magsimula ang tournament." saad muli nito. Tumango siya. Inakyat niya ng walang ka hirap hirap ang bakod at tumalon sa kabilang side. Naiwan namang nakatayo ang lalaking nagbabantay sa lugar na iyon habang may iisang tumatakbo sa kanyang isipan. "Hindi ko talaga maiwasang hindi kilabutan kapag titignan ako ng mga mata niyang blanko. Para siyang robot." umiiling na kausap niya sa sarili. "GOOD morning class!" Napaayos ang mga estudyante at pumunta sa kanya kanyang sariling upuan. Dumating na ang prof nila para sa oras na iyon. Tumahimik na silang lahat at binigay ang atensyon sa may katandaan nang babae sa harapan ng kanilang klase. "Siguro alam na ninyong may bago kayong magiging kaklase." Tumango ang ilan. Nagtataka naman ang iba. Sa kalagitnaan ng unang semester ay may transferee na dumating. Pwede ba iyon? Hindi nila alam. Magpapaliwanag na sana ang ginang nang biglang bumukas ang pintuan ng kanilang classroom. Napalingon ang lahat sa babaeng dumating. Naka maong na pantalon itong puti habang naka loose t-shirt na kulay gray. Ang bag nito ay nakasukbit sa balikat. Walang kahit na anong kulerete sa mukha ngunit angat na angat pa rin ang angking ganda. "Sorry, I'm late." saad nito. Kung titignan mo ang para itong nakasimangot. Pero sanay na ang lahat sa kanya dahil ganyan talaga ang normal na eskpresyon ng dalaga. Hindi siya nakasimangot, hindi rin nakangiti, malumanay ang kanyang mata na kapag iyong tinititigan ay tila ka hinihigop sa ibang dimensyon. "Umupo ka, Miss Angeles. Saan ka ba galing? Magkasunod lang ang oras namin ni Mr. Fahmir. Nag cut ka ba ng klase?" sunod sunod na tanong ng kanilang prof habang paupo ang dalaga sa kanyang upuan na nasa pinakaharap. "Kumain ako sa cafeteria." walang laman na sagot nito. Napabuntong hininga na lang ang matandang babae. "As I was saying, may bago kayong kaklase. Mr. Gregorio pumasok ka na." Lumingon ang lahat sa pintuan maliban sa isang babae na pinatong ang kanyang ulo sa mesa. Muli itong bumukas at tumambad sa kanila ang lalaking may maayos na pananamit. Nakasuot ito ng salamin, magulo ang buhok na tila kakagising lang mula sa pagtulog. "Magandang umaga. Ako si Dash, nice meeting you all." Pati ang boses ay tila kakagising lang. Ngumiti ito at lumabas ang maputi at pantay nitong mga ngipin. Tahimik ang klase. Ngunit sa loob loob ng mga kababaihan ay tumitili na sila. Napakagwapo ng bagong dating. Makapal ang kilay at matangos ang ilong. May mapulang labi at ang mga mata nitong natatakpan ng salamin ay sumisingkit sa tuwing siyay ngumiti. Maputi rin ang kutis nito, halatang laki sa luho. Ang damit nito ay tuwid na tuwid na parang ilang beses pinadaanan ng plantsa. Nilibot ng kanilang prof ang tingin sa mga upuan, naghahanap ng bakante para sa bagohan. Lihim namang nagdadasal ang mga kababaihan na sana ay sa kanilang tabi paupuin ang gwapong kaklase. Ngunit bagsak ang balikat ng lahat nang bangitin nito ang isang pangalan. "Umopo ka sa tabi ni Miss Angeles. Itaas mo ang kamay mo, Angeles!" napailing ito dahil sa nakikitang ginagawa ng studyante. Tamad nitong itinaas ang kamay habang nakasubsub sa mesa ang kanyang mukha. Alanganin namang umopo si Dash sa tabi nito. Ilang saglit lang ay nagsimula na ang klase kaya minabuti ng binata na makinig sa mga sinasabi ng guro. Ngunit hindi niya mapigilang ma distract sa babaeng mukhang natutulog sa tabi niya. "Psst!" Napalingon siya sa kanyang likod. Kumaway ang isang lalaki sa kanya. "Ako si Cale. Nice to meet you!" Pakilala nito sabay lahad ng kamay na tinangap niya. Tinuro nito ang babaeng katabi niya. Napasulyap muli siya dito. "Siya si Raven." saad nito. "Hindi ba bawal matulog sa klase?" Nakakapagtaka dahil ilang beses na itong sinulyapan ng kanilang guro ngunit hindi man lang nito sinusuway ang katabi niya. "Hayaan mo na yan. Hindi naman yan natutulog eh. Tinatamad lang yan. Palagi naman eh." Natahimik siya. Unang araw palang niya sa lugar na iyon ay may nakasalamuha kaagad siyang kakaiba ang kinikilos. Ang wierdo ng babaeng to. Hindi niya alam kung anong nararamdaman niya dito pero para makasigurado ay iiwasan na lamang niya ito. "May kasabay ka bang mag lunch mamaya? Sabay ka sa akin, ipapakilala kita sa mga tropa ko." bulong muli ni Cale sa kanya. PAGKATAPOS ng dalawang klase ay tanghali na. Sabay na lumabas si Dash at Cale patungo sa cafeteria. Tahimik na nakikinig si Dash sa mga kwento Cale. Napakadaldal ng binata, marami itong kwento at napansin rin niyang pala kaibigan ito dahil marami silang nakakasalubong na kinakawayan at kinakausap nito. Nauna na ang mga kaibigan ni Cale at nakahanap na sila ng mesa na magkakasya silang lahat. Pagdating nila ay nagkagulo kaagad ang magkakaibigan. Naiwan naman sa gilid si Dash habang pinapanood ang mga ito. Sa isang segundo ay nagsisi siyang sumama pa sa kaklase. Marami pala itong kaibigan at pakiramdam niya ay outsider siya. Para siyang tuod na nakatayo lang sa kanilang tabi hangang sa mapansin siya ng isa sa mga kaibigan ni Cale. "May bago ka palang kaibigan, Cale." Napalingon ang lahat sa kanya kaya ngumiti siya. "Ako si Dash, kaka-transfer ko lang dito." Biglang umakbay ang isa sa kanila sa kanya. "Seriously, Cale? Anong tingin mo sa tropa natin, groupo na naghahanap ng mga recruit?" natatawang saad nito. "Kilala mo naman ako, friendly akong tao." tila nagmamayabang pa na sagot ni Cale. Naiilang na tinignan niya ang brasong naka akbay sa kanya. Ayaw niyang maging rude siya sa paningin nila kaya hinayaan niyang akbayan siya nito kahit naiilang na siya. Ang gugulo ng mga kaibigan ni Cale. Kanya kanya sila ng paguugali. Hindi siya sanay na napapalibutan ng maraming tao kaya hindi siya komportable. "Mukhang hindi komportable itong kaibigan mo sa amin, Cale." saad muli ng lalaking naka akbay sa kanya. "Pinagtri-tripan mo kasi!" inalis na Cale ang braso nitong naka akbay sa kanya kaya nakahinga siya ng maluwag. Matagal bago umayos ang lahat. Katakot takot na kulitan at yabangan pa ang nangyari bago sila umayos. Habang mag tatlong umoorder ng pagkain ay napunta ang usapan sa kanya na kanina pa nananahimik. "Ang swerte mo Dash! Katabi mo si Raven!" hinampas ni Cale ang balikat niya. Hindi naman masakit kaya wala lang sa kanya. "Sinong Raven?" "Iyong katabi mo nga! Kakasabi ko lang sa pangalan niya kanina sayo. Nakalimutan mo kaagad?" Napatango siya. "Ah, pasensya na. Makakalimutin ako sa pangalan." "Uy, katabi pala nito si Raven? Swerte mo dude!" sabat ng isa sa mga kaibigan ni Cale na hindi niya matandaan ang pangalan. Nalilito siya. Bakit sinasabi nilang ang swerte niya dahil katabi niya ang wierdong babaeng iyon? Ang pangit talaga ng first impression niya sa babae, pano ba naman kasi natutulog sa gitna ng klase. "Wala namang espesyal sa kanya." honest na saad niya. Nagkatinginan silang lahat at natawa. Kumunot ang noo niya. Anong nakakatawa sa sinabi niya? May nakakatawa ba? "Hindi mo pa kasi siya kilala kaya nasabi mo iyan." depensa ni Cale. Tumango naman ang iba. "Boy, bibigyan kita ng kaunting kaalaman tungkol diyan kay Raven ah." Mabilis siyang umiling. "Huwag na. Hindi ako interesado." Muling natawa ang mga kaibigan ni Cale. "Gusto ko to pare! Ang honest!" Hindi talaga niya ma gets ang humor ng mga ito. Kahit walang nakakatawa ayon parang kiniliti ni satanas kung makatawa. "Matalino yan si Raven. Swerte ka dahil katabi mo siya. Walang pakealam ang babaeng yun kahit kopyahin mo pa lahat ng sagot niya." "Wala rin akong pakealam sa mga sagot niya. Kaya kong mag sagot mag isa." supladong saad niya. Naiirita na kasi siya. Bakit puro nalang Raven ang bukambibig nila? Mabuti nalang at hindi nagalit ang mga kaibigan ni Cale sa pagsusuplado niya. Hindi naman talaga siya suplado. Hindi niya alam kung bakit kapag naririnig niya ang pangalan na iyon ay naiirita kaagad siya. Tumawa si Cale. "Hindi lang naman katalinuhan ang meron si Raven eh." Kung ano man iyon ay wala siyang pakealam. Dumating na ang tatlong nag order ng pagkain. Nilapag na nila ang mga pagkain sa mesa. Nilabas niya mula sa bag ang baong pagkain. Pinabaunan kasi siya ng kanyang mommy ng pagkain. Kaya hindi na siya nag order pa. "May mas cool pa kay Raven kesa sa talino niya." saad muli ni Cale. Hindi niya ito pinansin. Binuksan niya ang lunch box at nagsimulang kumain. Kumakain na rin ang iba habang may kanya kanyang pinaguusapan. "Uy, pinaguusapan niyo si Raven?" tanong ng isa sa mga bagong dating. "Katabi kasi nitong si Dash kaya pinaguusapan namin." "Ahh. Ang cool. Katabi mo pala si Raven." baling nito sa kanya. Tumango lang siya. "Huwag mo ng kausapin to. Hindi daw interesado kay Raven eh!" Natatawang sabi ni Cale. "Sinong hindi interesado kay Raven?" Napalingon silang lahat sa bagong dating. Isang lalaking matangkad at moreno. Maskulado ang katawan at may hitsura. Bumalik sa pagkain si Dash. "Nahuli ka yata, Zarmen." "Oo may inasikaso lang. May bago pala dito. Siya ba iyong tinutukoy niyong hindi interesado kay Raven?" "Huwag mong galawin yan, Zar. Good boy yan." "Hindi ko naman yan aanuhin." Umopo ito at nilapag ang dalang pagkain. Napaisip si Dash. Mukhang gusto ng lahat si Raven. Anong meron sa babaeng iyon? Bukod sa natutulog sa gitna ng klase, hindi pa niya nakikita ang mukha nito. Sa dalawang klase nila kanina ay nakaob-ob ang muka nito sa mesa. "Bakit ka pala natagalan?" "Sinugod kasi ako kanina. Parang mga tanga, kitang nasa loob ako ng eskwelahan." "Bawal yan ah! Anong groupo ba?" "Mga baguhan na gustong umangat kaagad. Ang dami nga nila, kung mga sampu lang kaya ko pa sila pero mahigit kumulang mga trenta sila." "Mga ulol talaga. Malakas lang ang loob kapag maraming kasama." "Pano mo sila napatumba? Ni isa wala kang tama ah." "Mabuti nalang dumating ang Hari natin. Kung hindi yun dumating gulpi na ako ngayon." Pinagpawisan ng malamig si Dash sa mga narinig niya. Groupo? Baguhan? Napatumba? Tama? Hari? Naibaba niya ang kubyertos. Ano ba sila? Hindi niya gustong maghusga pero sa mga narinig niya ay klaro namang mga gangster sila! Bigla siyang napatayo kaya napalingon ang lahat sa kanya. Nagtatataka. Mabilis niyang niligpit ang pinagkainan at tinapon sa loob ng kanyang bag ang lunch box. "Mauna na ako. Tapos na akong kumain." halos mautal siya sa pagsasalita pero pinilit niya ang sariling ituwid ang boses niya. Napapitlag siya ng bigla siyang hawakan sa braso nung lalaking tinawag nilang Zarmen. Halos mapasigaw siya sa gulat. "Anong nangyari sayo? Hindi mo pa nga nakakalahati iyong pagkain mo." kunot noong saad nito. "Hindi. Busog na ako. Aalis na ako." pasimple niyang binawi ang braso ngunit mas humigpit pa ang kapit nito. "Eh di dito ka nalang muna. Bago ka lang dito diba? Siguradong wala ka pang kaibigan." "Pupunta akong library." buong lakas niyang binawi ang braso dito. Nagulat naman ang huli. "Sige aalis na ako." Pumihit patalikod si Dash para umalis. Plano niyang tumakbo para makalayo kaagad doon ngunit mahahalata namang masyado siyang nagmamadali at magsususpetya ang mga ito sa kanya. Huminga siya ng malalim para pakalmahin ang sarili. Handa na sana siyang maglakad paalis ngunit may nakaharang pala sa harap niya. Isang babaeng may mahabang buhok. Nakaputing pantalon at naka gray loose shirt. Nakatingin ito sa kanya kaya napatitig siya sa mga mata nito. Nakakakilabot ang mga mata ng babae. Walang laman. Tila isang dimension na purong itim. Para siyang hinihigop. Nanghina ang mga binti niya. Napamaang siya. Sino ba ang babaeng ito at ganito nalang ang epekto sa kanya? "Raven!" Raven? Nanlaki ang mata niya. May hiyawan siyang narinig sa likod niya. Nagsitayuan ang mga kaibigan ni Cale at sinalubong ang babaeng bagong dating. Para silang ngayon lang nakakita ng babae dahil tuwang tuwa sila sa presensya nito. "Himala lumabas ka sa lunga mo!" sabi ni Cale dito. "Mainit. Nagugutom ako." Nagtaka si Dash sa tono ng boses nito pati na sa uri ng pagsasalita nito. Ang tipid, at walang laman. Naiinitan daw pero hindi naman halata sa mukha nito. Gutom daw pero blanko naman ang ekspresyon. Nagulat si Dash nang halos hindi mapakali sila Cale sa pagasikaso sa babaeng bagong dating. Pinaupo nila ito at pinaypayan. May limang umorder ng pagkain at may apat na naiwan para paypayan ang dalaga. Saan nila nakuha ang mga pamaypay na iyan? Ang bilis nila kumilos. Ilang sandali pa ay dumating ang maraming pagkain at inihain nila ito sa harap ng babae na parang prinsesa. Litong lito si Dash sa mga nangyayari. Kung ituring nila ang dalaga ay parang diyos. Ang dami ng inorder nilang pagkain. Kaya bang ubusin yan lahat ng babaeng yan? Sa hindi malamang dahilan ay nakita niya ang sariling umopo muli. Napalingon si Cale sa kanya, nagtataka. Naikuyom niya ang kamay. Huwag kang mag tanong dahil kahit ako nagtataka sa kinikilos ko. Ano bang ginagawa niya?! Bakit siya umopo ulit sa harap nila?! Hindi. Takot siya sa mga ito dahil sa narinig niya. Ang hula niya ang groupo ang mga ito ng gangster! Mga basagulero, mga pipitsuging tao. Trenta laban sa dalawa? Nagpapatawa ba sila? Kalokohan. Kung kalokohan ito bakit siya nandito?! Gusto niyang sabunutan ang sarili. Ano bang ginagawa niya?! Muli niyang tinignan ang nangyayari sa mesa nila. Sa tatlong salita ay para silang mga uod na binudburan ng asin. Mabilis ang mga galaw at kaagad na pinaglingkuran ang babaeng ngayon ay kumakain. Sigurado siyang sarap na sarap ang babaeng ito. May apat na nagpapaypay, maraming pagkain ang nakahain sa mesa na halos pwede ng pang isang dosena ka tao. Ngunit bakit wala siyang mabasang emosyon sa mukha nito?! Halos limang subo lang ang kinain nito bago dumighay. Nilapag ang kobyertos sa mesa at tumayo. Naroon na naman ang mga galamay nitong parang puppet. "Aalis ka na? Busog ka na doon?" "Salamat sa pagkain." Halos mahulog si Dash sa kanyang kinauupuan nang biglang maghiyawan ang mga ito. Wala siyang ka alam alam sa mga nangyayari. Tuwang tuwa ang mga ito sa hindi niya malamang dahilan. "Wala yun, Raven! Sus, ikaw pa ba?!" "Malakas ka sa amin kaya ayos lang!" "Siya nga pala Raven, pakopyahin mo ako sa quiz natin mamaya ah?" "May assignment ka ba Raven? Patingin!" Sumingkit ang mata ni Dash sa mga narinig. Kaya pala parang prinsesa kung ituring, may kailangan pala. Nagsasayang lang siya ng oras dito. Kinuha niya ang bag para umalis. Wala nang saysay ang pananatili niya doon. May mas cool pa kesa sa talino ng Raven na iyon? Ano? Ang mata nitong tila nanghihigop? Ang malamig nitong boses na daig pa ang yelo? Ang blanko nitong ekspresyon? Anong cool doon? Pa cool pwede. Nilagpasan niya ang mga ito na pinagkukumpulan si Raven. Akala niya ay walang nakapansin sa kanya ngunit napahinto siya dahil narinig na naman niya ang boses ng dalaga. "Sino yon?" Natuod siya sa kinatatayuan. Naramdaman niyang maraming matang tumingin sa kanya. "Ah, si Dash!" biglang sumulpot sa tabi niya si Cale at inakbayan siya. "Katabi mo siya kanina sa second period natin." "Ahh." Nakita niyang nilagpasan sila ng babaeng iyon. Ahh? Yun lang? Yun lang ang reaksyon nito? Kung magtanong ito ay parang hindi nagtatanong. Pati pagtanong walang kalaman laman! Anong klaseng tao ba ang babaeng iyon? Naramdaman niyang tumawa si Cale sa tabi niya. "Si Raven talaga oh." Inalis niya ang braso nitong naka akbay sa kanya at umalis. Bakit siya naiinis sa reaksyon ng babaeng iyon? Wala dapat siyang pakealam. Oo. Dapat wala siyang pakealam kasi hindi naman niya kilala ang babaeng iyon at lalong hindi niya ito kaano-ano. Mas mabuti pang umuwi na siya total ay mamayang hapon pa naman ang susunod na klase niya. "Saan ka pupunta, Dash?!" habol pa ni Cale sa kanya. Kinawayan lang niya ito bago tumakbo palayo. Total ay maaga pa naman, napagdesisyonan niyang pumunta muna sa library para doon muna tumambay. Pag dating niya sa library ay humanap kaagad siya ng librong babasahin niya. Umopo siya sa bakanteng mesa at binuksan ang napili niyang libro na tungkol sa kalikasan. Mahilig siyang mag basa. Ito ang past time niya kung hindi siya naglalaro ng volleyball. Varsity player siya sa dating University na pinapasukan niya. Pero hindi na muna siguro siya papasok sa varsity ngayong taon. Dahil sa nangyari noon sa dating pinapasukan niya. Napailing siya. Hindi niya gustong maalala pa ang insidenteng nangyari noon. Naibaba niya ang binabasang libro dahil sa inis. Ngunit halos atakihin siya sa puso dahil sa mukhang tumambad sa kanya. "Raven?" alanganing tanong niya. Kumunot ang noo niya. Anong meron sa magtro-tropang ito at palagi nalang siyang ginugulat? Ang awkward din dahil nakatitig ng matiim si Raven sa kanya. Kailan ito umopo doon? Hindi niya naramdamang may umopo sa harap niya. "Anong ginagawa mo?" takang tanong niya. "Hmm..." Naiilang na umatras siya dahil inilapit nito ang mukha sa mukha niya. May mali ba sa mukha niya? O ang utak ng babaeng to ang may maluwag na turnilyo? Halos manginig siya nang bigla itong sumandal sa dibdib niya. Ano bang ginagawa ng babaeng to?! Pinagpawisan siya ng malamig. Hindi niya alam kung anong magiging reaksyon niya o kung anong dapat niyang gawin. Ang lakas ng t***k ng puso niya. Parang sasabog na ito palabas sa katawan niya. Sigurado siyang naririnig din ito ng babaeng nakasandal ang ulo sa dibdib niya. Gusto niya itong itulak pero tila nawalan siya ng lakas. Para siyang nabingi at tanging t***k ng puso nalang niya ang naririnig niya. Ilang sandali pa ay umalis ito at umayos ng upo. Nakahinga naman siya ng maluwag. Ano yun?! Anong ibig sabihin non?!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD