SPECIAL CHAPTER: ROSES ARE RED

3853 Words
"Luna, where are you?" Bagot na tanong ko sa kaibigan na nasa kabilang linya ng tawag. Nandito na ako ngayon sa harap ng restaurant na meeting place namin. Naglakad ako para pumasok dahil nasasaktan na ako sa init ng araw. "Ang aga mo naman. Nagbibihis pa ako eh." "Anong ang aga?!" Sumulyap ako sa suot na relo at umikot ang mata. "It's almost 12, Luna!" "Oo na! Paalis na!" Nakarinig akong ng mga kalabog at sigaw ni Luna sa kabilang linya. Siguradong nagpapaalam ito sa ina at sa sobrang pagmamadali ay may mga nasasagi itong bagay. Nilibot ko ang paningin sa loob ng restaurant at humanap ng pang apat na pwesto. Kumportableng umopo ako sa pwestong malayo sa ibang mesa at nasa sulok. "Anyways, I'm wearing a white blazer." "Really Victoria? It's like super hot outside!" "Shut up. Kailan ka pa naging conyo?" I waved my hand at the waiter who approach me. Sumenyas ako na may hinihintay at itinuro ang teleponong nasa tenga ko. "Since 1998, bitch." Hindi ko na napansin ang sinabi niya ng matanaw ko ang isang babaeng papasok ng restaurant. Palinga linga pa ito. Tinaas ko ang kamay ko para madali lang niya akong makita. "Well you better hurry up 'cause the ladies are here." Sabi ko kay Luna at binaba ang tawag. "What's up officer." Nakangising salubong ko sa babaeng naka all blue uniform na umopo sa tabi ko. "Cut it out, Victoria. Where's the others?" Masungit na saad niya. "As usual, late." Kibit balikat ko. Sinuri ko siya mula ulo hangang paa habang nakangisi. Ginawa din niya sa akin ang ginawa ko. "Too formal, are we?" Hindi ako sumagot sa kanyang komento. "Let's wait for the turtles." Ilang minuto ang lumipas, halos sabay dumating ang dalawang babaeng mukhang nasa runway kung makarampa. Sabay namin silang tinawanan ng kasama ko. "You bitches are late." Irap ko sa kanila. "Traffic." Depensa ni Luna kahit alam ko naman ang dahilan. Liar. Tsk, tsk. "Galing pa ako sa bakery ko." Saad naman ng kasama niya. "Mabuti nalang at out ko na ngayon. Dumiretso nalang ako dito." "No wonder your still in your uniform, Officer Madelyn." "What a surprise! Ashley? Didn't recognise you there." Sumandal ako sa upuan at nakangiting pinagmasdan ang mga kaibigan kong nagsimula ng mag asaran. After all of these years, none of us thought that we would still be friends until now. What a beautiful sight. I suddenly miss our highschool days where we would laugh at Ashley's jokes and cheat on the exams together. Good old days. Pinagsaklop ko ang dalawang kamay at pinatong ang siko sa mesa. "Before we proceed to our bickering let's order some foods, shall we?" Tugon ko sa kanila dahil nagugutom na din ako. Hindi ako kumain sa apartment bago pumunta dito dahil hindi pa ako nakabili ng grocery. Nagmamadali din ako dahil medyo malayo ang restaurant na ito sa tinitirhan ko. "I did suggest na sa restaurant ko nalang tayo magkita." Nakairap na sabi ni Ashley. "You wish. Para kumita ang restaurant mo? Libre dapat kami doon no!" Buraot na si Madelyn. "Business is business. Baka malugi ako sa sobrang lakas niyong kumain." Nagkatinginan kaming tatlo. "Coming from you ha." Halos sabay naming sabi sa kanya. Pagkatapos naming umorder ay nagkwentohan lang kami habang naghihintay. "So, kumusta naman ang Miss Philautia ng Hierloom Publishing House?" Nakangising tanong ni Luna habang tumataas baba ang kilay. Nakatitig na silang tatlo sa akin ngayon. Napaisip naman ako sa tanong na iyon. "Life goes on." Kibit balikat na sagot ko sa kanila. I won't spill the bean when these two are here. Sa kanilang tatlo, si Luna lang ang pinagsasabihan ko ng mga problema at mga sekreto ko sa buhay. Bagsak ang balikat na inasar nila ako. Tinatawanan ko lang kung anong pinagsasabi nila at pilit nilalayo ang topic. "Mapunta naman tayo sa Engineer natin." Nakangising saad ko. Tinignan ko si Luna ng nakakaloko. It's payback time. "Kumusta ang buhay pag ibig, hmm?" Pakikisakay ni Mady sa trip ko. Umakto siyang shock at nagpaypay sa sarili gamit ang kamay. "My god! Mas atat pa kayo sa akin na magkaroon ako ng boyfriend eh. Chillax lang kayo. Dadating din ako jan." "Mali ata kami ng pandinig. Should that be, 'galing na ako jan'?" Ashley said playfully. Nagkatawanan kami habang inaalaska ang nakabusangot na si Luna. Habang nag eenjoy kami sa kulitan at kumustahan ay nakarinig kami ng boses hindi malayo sa amin. "Luna?" Natahimik kaming lahat at lumingon sa boses na tumawag sa kaibigan namin. Few steps away from our table, there stood a man wearing a simple jeans and blue T-shirt. Tinitigan ko ang mukha niya ng mariin. Pilit inaalala kung sino ba siya. Sinuyod ko mula sa buhok niyang maayos ang pagkakasuklay, sa noong puno ng pimple marks, sa matang tila kay saya, mga ilong na hindi masyadong matangos, at mga labing nakangiti at kita ang medyo hindi pantay na ngipin. Binalik ko ang tingin sa mukha niya. Habang tumatagal ang pagtitig ko sa kanya ay may imahe namang unti unting nabubuo sa isip ko. Kung hindi ako nagkakamali... "Shean Harold Deo." Bangit ko sa pangalan niya. Lahat sila lumingon sa akin, tapos lumingon na naman kay Shean. They must have recognized the pimple marks on his face based on how their lips formed an 'o'. "Huh? Sino ka? Paano mo ako nakilala?" Takang tanong niya sa akin at lumapit na sa table namin. "Ikaw pala yan, Shean! Come sit with us!" Anyaya ni Luna. Bumaling ang kanyang pansin kay Luna at marahang ngumiti. "Oh no. Kakatapos ko lang kumain at napahinto lang ako dahil nakita kita dito. Wow. It's been a long time, Luna!" Tinignan niya kami nina Ashley at Madelyn. "I see you're still friends with Mady and Ash but who's this pretty girl here? She's the first one who recognized me huh. Ganyan na ba ako ka sikat sa mga babae? HAHAHA!" Nalukot ang mukha ko sa kayabangan niya habang pinipigilan naman ng tatlo ang mga tawa nila. "Ehem." Luna faked a cough para mapigilang matawa. "The pretty girl your pointing is our friend, Victoria Del Rosario." Laglag ang panga na lumingon siya sa akin. Nanlalaki pa ang mga mata. Hindi halatang gulat na gulat siya ano? Hinawi ko ang aking hangang bewang na buhok at tinaasan siya ng isang kilay. "The one and only." I cannot blame him, thou. Sobrang nagbago na ang hitsura ko ngayon kesa noong nasa highschool pa kami. I let my shoulder length hair grow and dyed it ash grey. Nagpabrace din ako noon at last year lang tinangal. Mas pumuti ang kutis ko at mas kuminis ang mukha ko. Unlike sa fashion taste ko noon na pang manang, ngayon ay patok na sa masa. But not liberated enough. Yung sakto lang. "Woah. Hindi ko ito ineexpect." Gulat parin na komento niya. "No one expect that we'll see you here, either." Pangbabara ko sa kanya. Tinawanan niya lang ako sa sinabi ko at ngumisi ng nakakaloko. "Still hasn't changed a bit, Victoria. Let's see kung hangang saan ka dadalhin ng bibig mo kapag makita mo kung sinong kasama ko." Kumonot ang noo ko pero inirapan ko parin siya. Whoever is that person na kasama niya ay wala akong pake. But I changed my mind when all four of them turned to one direction and the faces of my friends shouts horror. "What took you so long, Harold?" Nanigas ako sa bagong boses na buong buo at sobrang lalim. Nasinghot ko mula sa aking inuupuan ang mabangong aroma ng bagong dating. "There you are Dominic! Look who I found." Ang nakakalokong saad ni Shean. "HERE'S your orders, ma'am." Mahinhing tawag pansin ng waiter dahilan para matauhan kaming apat. Napaayos kami ng upo at tinulungan ni Luna ang waiter na naghatid ng aming mga pagkain. Pasimpleng sumulyap ako sa likod ko. Nandoon pa rin sina Shean at naguusap sila ng kanyang kasama. Maya maya pa ay lumapit sila sa amin at nagpaalam. Circle ang table at nakatayo sila ngayon sa gawi Nina Ashley at Madelyn na magkaharapan. Kaharap ko naman si Luna at nasa gilid kami kung saan ang glass wall. "We should go guys. May date pa pala itong lover boy natin." May halong tawa na saad ni Shean. "By the way, Dominic. Do you still remember our classmates way back in high school?" Biglang bulalas ni Shean. "Which one?" "Actually, this four ladies here are one of our classmates. Not just classmate," tila may panunuya ang tono ng pananalita niya "..." "Guys, introduce yourselves to our lover boy." Nahimigan ko ang tinatagong balak ni Shean sa tono ng kanyang boses. Nagaalinlangan man ang tatlo ay isa isa silang nagpakilala habang alanganin na sumusulyap sa gawi ko. Nang matapos silang tatlo at ako na ang susunod ay natahimik silang lahat. Huminga ako ng malalim. Wala naman sigurong mawawala kapag humarap ako sa kanya at magpakilala, diba? Malakas ang kabog ng dibdib ko at pinagpapawisan ako kahit air conditioned naman itong restaurant. Gusto kong tumakbo at tumakas, lumayo sa lugar na ito para makahinga man lang ng maluwag. But I won't do that. Unti unti akong humarap at pinilit ang mga labing ngumiti. "Hi. I'm Victoria." And after 8 years, my eyes met with his cold and empty eyes again. He doesn't seem surprised, not even shock. His reaction is just plain, normal. It's as if he was expecting that it is me. And what he did next bothered my whole existance, big time. He just nod his head, faced Shean and said, "Mauuna na ako sa sasakyan." And with that he left. He just left. Sumonod naman kaagad si Shean kaya noong kami nalang apat ang natira ay tinignan nila akong tatlo. "Ano?" Nakabusangot na tanong ko. "Ignored." "Toasted." "Headshot sa puso." Napabuntong hininga ako sa mga komento nila. Wala na akong gana para patulan pa ang pang aasar nila kaya hinayaan ko nalang. "Hindi man lang siya nagulat, ano?" "Bakit kaya tila alam niya ang hitsura ni Victoria? Tignan niyo naman, sobrang nag level up ang friend natin." "From gusgusing high schooler to fashionista author." "How dare that man ignore our Victoria?" Nakinig lamang ako sa mga pinagsasabi nila at hindi nagsasalita. But I totally agree with them. How dare him para ganunin ako? I gathered all the courage I have, pinakapal ko ang mukha ko at pinilit na huwag mahiya sa kanya. Para akong bomba na anytime ay sasabog sa ginawa niya. Pati mga kaibigan ko ay aware sa tumataas na tensyon sa katawan ko. No. I am not hurt at all. Hindi ko maintindihan kung bakit hindi ako nasasaktan, ang alam ko lang para niyang sinagasaan ang pride ko. After all these years, he hasn't changed a bit. Still a cold blooded bastard. Pinilit kong kumain at makig biruan sa kanila, binalewala ko ang nangyari at umaktong normal. Pero sa loob loob ko gusto kong sumabog, magwala at umiyak. Careful naman ang tatlo na huwag akong inisin pa dahil alam nilang konti nalang ay magwawala na ako. Oo, mababaw akong tao. Mabilis akong mainis, mababa ang pasensya ko at mataas ang pride. Pero wala akong pake! Bukod sa tinapakan niya ang pride ko, nasaktan din ako sa ginawa niya at yan ang binding hindi ko aaminin sa kahit na sino. Grabe. Tinalikuran lang ako para na akong binasted ah? Bakit? Sino ba ako sa kanya? Importante ba akong tao para pagtuonan niya ng pansin? Ilang taon na ang nakalipas ah, hindi pa rin ba nagbabago ang nararamdaman ko para sa kanya? Bakit ganito pa rin? Ang sakit. Lahat ng nangyari noon ay parang sirang plaka na paulit ulit na nagp-play sa isip ko. Walanghiya. "Psst. Luna." Mahina at nahihiyang sitsit ko sa kaklase ko na hindi ko naman masyadong close. Naging kaklase ko siya noong lower grade pa kami pero hindi naman kami naging close dahil hindi naman ako masyadong nakikihalubilo sa kanila. At ngayong nasa grade 10 na kami ay naging magkaklase ulit kami. "Bakit?" Nagtatakang tanong niya sa akin. Nahihiya man akong magtanong, hindi man kakayanin ng pride kong humingi ng tulong, para man akong tanga sa gagawin ko ay ipagpapatuloy ko pa rin. "K-kilala mo ba kung sino yun?" Turo ko sa isang kaklase namin gamit ang nguso ko. First day of school palang kase, maraming bagong mukha akong nakita at ang iba naman ay pamilyar. Sa totoo lang wala naman talaga akong pakealam sa kanila, pero may isang nakatawag ng akin pansin. Lumingon si Luna sa tinuturo ng nguso ko at muling bumaling sa akin. "Ah, si Dominic." Kibit balikat niya. Nanlalaki naman ang aking mga mata sa kanya. Lumabas ang matamis na ngiti sa aking labi at lumipat sa upuang nasa harap ng desk niya. Gulat na inilayo niya ang ulo ng biglang sumulpot ang pagmumukha ko sa harap niya. "Bakit mo siya kilala?" Nanlalaki pa rin ang matang tanong ko sa kanya. Pupusta akong nawi-weirdo-han na ito sa akin pero wala akong pake basta may mapiga akong impormasyon mula sa kanya. "Syempre kaklase ko siya sa major eh." Kapag kasi nasa grade 9 ka na, ikaw na ang pipili kung ano ang major mo. Kung sino ang teacher mo at mga kaklase mo noong grade 9 sa iyong major ay sila parin ang makakasama mo hangang grade 10. "Ano ba ang major niyo?" "Drafting." Maiksing sagot niya at muling bumalik sa ginagawa. Napasilip naman ako sa sinusulat niya at napatango nalang. Gumuguhit siya ngayon ng bahay na may mga sukat. Talented. Tumatango tangong sabi ko sa sarili. "Hoy, Victoria!" Napalingon ako kay Madelyn at tinaasan siya ng kilay. "Kanina ka pa namin tinatawag at tulala ka lang jan." Dagdag niya. "Ano bang iniisip mo? Tapusin mo na yang kinakain mo at ililibre daw tayo ng Engineer sa mall." Segunda ni Ashley. Tumango ako sa kanila at minadaling kainin ang nasa plato ko ng makitang ubos na ang kinakain nila. Kaya siguro naisipan nilang mag mall kahit wala sa plano namin ay para malamigan naman ang ulo ko at ma divert ang atensyon ko. Pagkatapos naming mag chip in sa bayad ay lumarga na kami sa mall. Chip in kami dahil walang may balak sa amin na manlibre. Hindi nagdala ng sasakyan ang tatlo kaya nagsisiksikan kaming apat ngayon sa sasakyan ko. "Bakit ba kasi ayaw mong bumili ng mas malaking sasakyan? Mas convenient iyon lalo na kapag may gala tayo." Saad ni Luna habang nagda-drive ako. "Ang dami mo namang pera tapos tinitipid mo ang sarili mo." Segunda naman ni Ashley. Si Luna ay nasa passengers seat habang ang dalawa namin ay nasa back seat. Hinahawi nila ngayon ang mga anime stuff toys na nilagay ko doon para may naka occupy. "Maka sabi ng maraming pera ah. Ako lang ba ang successful dito ha?" Irap ko sa kanila. "Si Luna, Engineer na. Ikaw Ashley may sarili ka nang bakery at restaurant. Si Madelyn naman SPO2 na. Anong tawag niyo sa mga yan, display?!" Dagdag ko pa. Inirapan lang nila ako at iniba ang topic. Alam nilang hindi ako titigil at ipaglalaban ko ang sinasabi ko. Umiling ako sa kanila at nagfocus nalang sa pagda-drive. Pagdating namin sa mall ay kanya kanya sila ng suhesyon kung saang boutique kami pumasok. Nanatili akong nakikinig sa kanila at nagmamasid sa paligid dahil wala naman akong masyadong alam sa mga brand ng damit at mga gamit. Sa huli napagpasyahan nilang pasukin isa isa ang lahat ng boutique sa mall. Napasapo ako sa aking noo ngunit hindi na nagkomento pa. Kapag sila talaga ang kasama ko ay siguradong uuwi akong parang zombie sa sobrang pagod. GOOD morning ma'am, this is Turner Construction Co. This message is to inform you that your schedule for meeting is today at 8 sharp in the morning. Meeting place will be in the main company. Have a nice day! Bagong gising palang ako ay ito kaagad ang sumalubong sa akin pag silip ko sa cellphone. Nagtaka pa ako kung anong yang companyang yan at paano nila nakuha ang numero ko. Matagal akong nakatitig sa cellphone ko. Bagong gising palang ako at lutang pa ang pagiisip ko. Isang minuto siguro akong parang tanga na nakatitig bago ako matauhan. Ang Turner Construction Co. ay companyang gumagawa at nagbebenta ng mga bahay, lupa, resorts, town house at iba pa. Kinontak ko sila online at maswerte akong willing silang bigyan ako ng discount basta ipro-promote ko ang companya nila. Walang problema sa akin iyon. Promote lang pala eh. Tinignan ko ang oras at may one hour pa ako para magbihis at pumunta doon. Hindi naman malayo sa apartment ko ang location nila kaya chill lang akong naligo. Pagkatapos ko gawin lahat ng morning rituals ko, kumain at mag toothbrush ay lumarga na ako sakay sa cute na sasakyan ko. Pagdating ko doon ay dumeritso ako sa babae na nakaupo sa likod ng desk. Nagtanong ako kung anong floor ang meeting ko at sinabi naman kaagad nito matapos ang mabilisang pagtype nito sa computer. Patakbo akong pumunta sa elevator ng mapansing magsasara na ito. "Hold the elevator door for me please!" Sigaw ko sa kung sino mang nasa loob. Mabuti at mukhang narinig nito ang pasuyo ko kaya nakapasok ako ng matiwasay. Pinindot ko muna kung saang floor ako hihinto bago humarap at magpasalamat sa taong nagmagandang loob kanina. Pero napahinto ako sa mukhang bumungad sa akin. Nagkatitigan ang aming mga mata at ako ang unang umiwas. Hindi ko alam kung anong ire-react ko ng makita ko na si Dominic ang kasabay ko. "S-salamat." Mahinang sabi ko. Dumeritso ako ng tayo, tumingin sa harapan ng hindi lumilingon sa aking gilid. Wala akong narinig na tugon mula sa kanya pero nakita ko mula sa reflection namin sa pinto ng elevator ang pagtango niya. Shit. Nakalimutan kong dito din pala siya nagt-trabaho. Stupiiiid! Kulang nalang ay pokpokin ko ang ulo ko sa sobrang katangahan ko. Tumingin ako sa itaas at malayo pa ang floor kung saan ako bababa. Nakakahiya. Awkward at nakakastiff neck itong kalagayan ko ngayon. Halos mangalay ang leeg ko sa pagiwas sa direksyon niya. Hindi ako makatingin ng maayos sa reflection namin at kung saan saan nalang tumingin ang mata ko maliban sa pwesto niya. Narinig ko ang pagbell ng elevator, hudyat na may bababa sa floor na ito. Tumingin ako sa itaas at mukhang ito na ang floor kung saan gaganapin ang meeting namin. Lalabas na sana ako pero naunahan ako ng kasabay ko. Gulat na napatitig ako sa kanyang likuran. Shit. Don't tell me...? Aish! Inalis ko ang ideyang nabuo sa isip ko at tuluyang lumabas sa elevator. Nagtanong ako kung saan matatagpuan ang meeting area at hindi naman ako binigo ng pinagtanungan ko. Pagdating ko doon ay marahang kumatok ako sa pinto. Nakarinig ako ng mahinang 'come in,' kaya naman binuksan ko ito at pumasok. Malaki ang meeting area at may malaking pahabang mesa sa gitna kapares ang mga bakanteng upuan na umabot sa bilang sampo. Dalawa sa mga ito ay occupied na. Maliban sa mga halaman ay wala ng ibang kagamitan na makikita sa loob. Gusto ko din ang kulay ng kwarto na pinaghalong grey, white, at black. May dalawang tayo sa lpob, isang babaeng nakatayo at sumalubong sa akin at isang lalaking nakaupo na hindi manlang nag abalang lumingon sa gawi ko. Ngumiti ako sa babaeng nakatayo at inooffer ang kamay para makipag shake hands. "Miss Del Rosario, I'm Jen. I will be the one who will discuss with you about the process of developing your dream house along with our best architect here, Mr. Dela Cruz." Masayang bati niya. Sigurado akong namutla ako ng marinig ang apelyedong iyon. Nanginginig man ang aking kamay ay nakipag shake hands ako at pilit na ngumiti sa kanya. Tumayo naman ang lalaking kanina pa nakaupo at nakatalikod sa direksyon ko. "Nice to meet you." At parang normal lang na bati niya. Gusto kong himatayin nalang bigla. Sa ilang taon naming hindi nagkita, I've got a chance to talk to him again! He offered his hands at nagdadalawang isip pa akong tangapin iyon but this is a rare opportunity! I cannot contain my happiness that I impulsively grabbed his hands and repeatedly shakes it. I know. I acted weird and I totally regret it! Nang marealise ko ang ginawa ay mabilis na binitawan ko ang kanyang kamay at pekeng umobo. Nasulyapan ko pang nakanganga sa akin si Miss Jen at as usual, blanko lang ang reaksyon ng kaharap ko. Natauhan naman kaagad si Miss Jen. "A-ah, let's take a seat everyone." Awkward na sabi niya. I can't blame her. Kahit ako naa-awkward sa ginawa ko. Nakakahiya, na carried away pa ako. But I don't care anyway! At least I get to hold his hand again. Hehehe "Bakit walang engineer?" Nagtatakang tanong ko. Tila natauhan naman si Miss Jen at napaayos ng upo. "I supposed, Miss Lavander is late?" at pasimpleng sumulyap ito sa pambisig na relo. Tumango lamang ako at hindi na nag react. Hindi naman ako nagmamadali at walang kaso sa akin kung malate ng ilang minuto ang ka meeting namin. I'm a patient person pagdating sa hintayan. Minutes past at wala pa rin ang engineer. Nafe-feel ko ang awkward vibes kahit na gusto kong maging komportable. Miss Jen keeps moving her arms and body, naghahanap ng mapag kaabalahan. Kung si Miss Jen ay hindi mapakali ay kabaliktaran naman ang architect na kasama namin. Relax lamang ito at parang statue na nakatitig lang sa harap. Gusto ko mang titigan ng walang sawa ang gwapo nitong mukha ay nahihiya naman ako sa kasama naming kanina pa hindi mapakali. Twenty minutes na ang nakakalipas pero hindi pa rin dumadating ang engineer. Napakislot ako ng may cellphone na nag ring. "Oh, it's mine." Sabi ko ng silipin ko ang cellphone ko. Tumayo ako at lumayo ng kaunti sa kanila bago sinagot ang tawag ni Luna. "What's up?" Bati ko kaagad sa kanya. "Hey. Lalabas kami nina Ashley at Madelyn mamaya, we're going shopping!" Mababahid ang excitement sa boses nito. "Nanaman? Kakashopping lang natin noong isang araw ah." "Duh. Have you forgotten? Welcome party ko mamayang gabi, organized by my mom." Napahinto ako at napaisip. Inalala ko kung kailan ba yun binangit ni Luna sa amin at napapitik nalang ako ng kamay ng may lumabas na imahe sa utak ko kung kailan at saan niya ito nabangit. "Napaka ulyanin mo talaga, Victoria!" Komento niya. Tumawa ako ng mahina. "Sorry po." "So ano na? Are you free this afternoon?" Atat na tanong niya. "Yap. I'm---" Hindi ko natapos ang sasabihin ko ng biglang bumukas ang pintuan at pumasok ang isang babaeng napaka fashionista ng dating. "Sorry I'm late." Hinging paumanhin nito. Hindi ko na sana ito papansinin at babalik na sana sa kausap pero sobrang nawindang ang kaluluwa ko sa sunod na ginawa niya. "Good morning Dominic." OK sana kung simpleng Good morning lang iyon eh. Kaso bakit may kasama pang halik sa labi ha?! "Hello? Victoria?" Nakanganga at napupuyos sa inis akong nakatunganga sa kanila. Kitang kita ng dalawang mata ko kung paano maglapat ang kanilang mga labi. Kahit si Miss Jen ay nakatitig sa kanila! What the hell is the meaning of this?!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD