Prologue
“Ayusin mo nga 'yang mukha mo, Cell. Kasal mo ngayon hindi líbing.” napanguso siya dahil sa sinabi ng kaibigan niya na si Anastacia—ito ang napili niya na mag make-up sa kanya sa napakasayang araw sa buhay niya. ngunit masaya nga ba talaga Kung ang pakakasalan niya ay hindi niya naman mahal at ni minsan sa tanan ng buhay niya ay hindi niya man lang nasilayan?
“Kasal ko nga pero hindi ko naman ramdam." nakanguso nyang sabi na ikinailing nalang ng kaibigan niya na make-up artist.
“Cell, bente singko (25) kana. Kailangan mo ng lumagay sa tahimik at mag kaanak gaya ko.” hinaplos nito ang tyan nito na nakaumbok.
Limang buwan ng buntis ang kaibigan niya at masaya na ito sa napangasawa hindi tulad niya na hindi alam kung magiging masaya ba sa mapapangasawa.
“Pero hindi ko siya mahal!” buntong hiningang sabi niya habang pinipigilan ang pangigilid ng luha.
Akala niya ay naubos na ang luha niya sa kakaiyak nitong nakaraang linggo matapos ipaalam sa kanya ng kanyang ama ba ipakakasal siya sa business partner nito na ikinatanggi niya ngunit nagbànta ang ama na itatakwil siya nito kapag hindi nasunod ang gusto. Wala na syang ina dahil iniwan na sila nito, limang taon gulang pa lamang siya ng pumanàw kanya ina sa kadahilanang may cancer ito sa dugo o leukemia sa salitang ingles.
Kung nariyan lamang sana ang ina niya ay hindi ito mangyayari. Tagapagtanggol niya ang ina at lagi nitong sinusugod ang mga gusto niya.
“Tahan na huhulas na yang make-up mo at tsaka baka matutuhan mo rin mahalin ang mapapangasawa mo. Malay mo gwapo at masarap siya." napangiwi nalang siya sa turan ng kaibigan at pinunasan ang luha. “OMG! What if yung honeymoon.” biglang nanindig ang balahibo niya. “Don't worries tuturuan kita kung paano magpaliga ng lalaki sa kama." nanlaki ang mga mata ng tingnan niya ang kaibigan.
“ANASTACIA!” pagalit na turan niya. Hindi niya 'yon naisip. Wala pa siyang nakakaniig at hindi niya ibinibigay ang pagka birhen sa kung sinong lalaki lamang.
“Okay, Enough na. Basta kapag kailangan mo ng tulong tungkol sa pagpapaligaya ng lalaki ay tawagan mo lamang ako o i text.” napailing na lamang siya bago tumayo.
“Kahit kailan hindi kita tatanungin tungkol dyan." siguradong sabi niya bago buksan ang pinto pero nagsalita pa ang kaibigan niya na ikinahinto niya.
“Lamunín mo sana ang sinabi mo.” nakangising pahabol na sabi nito sa kanya.
Nakailang buntong hininga na ba siya ngayon araw? Halos hindi na mabilang dahil sa sama ng loob niya.
“You are so gorgeous, Darling." puri sa kanya ng ama at inialok ang braso para kumapit siya duon at bumaba na sa huling palapag ng hagdan. Pilit na ngiti ang isinukli niya dito.
Inalalayan siya ng ama papasok sa magarang itim na sasakyan nito. Gusto niya man sipaín ang driver at tumakas ngunit kasama niya ang ama na nakaupo sa backseat. Sinisiguro talaga nito na matutuloy ang kasalan nila ng estrangherong lalaki.
“Thank you for saving our company, Darling." malambing na sabi ng ama habang nakaakbay sa kanya na ikinakuyòm ng kamao niya.
Hindi siya makapaniwala na ibinebenta siya ng kanyang ama para sa nalulugi nitong kompanya
Pilit ngiti lang ulit ang naisukli niya rito bago pumikit iniisip na sana panaginip na lamang lahat ang nangyayari.
Hinaplos ng ama ang kanyang braso at hinalikan siya sa ulo. Malambing naman ang kanyang ama at nasanay din ito na lagi nalang sinusunod ang gusto.
Katulad nalang ng kurso niya ang gusto nyang kunin ay ang kuro na pagluluto pero pinilit siya ng ama na kumuha ng kurso tungkol sa pagpapalago ng negosyo.
Hilig niya talaga ang magluto dahil namana niya ito sa yumaòng ina. Tatlong taon pa lamang siya ay tumutulong na siya sa paghahalo ng harina kapag nagb-bake sila.
Katulad din ng sa pagtatrabaho niya— noong nakagraduate siya ay gusto nyang magsimula sa mababang posisyon ngunit binigyan siya ng mataas na posisyon ng ama, siya ang pangalawang mataas sa posisyon nito sa kompanya nila.
Sa edad na bente singko (25) ay hindi pa rin siya maka pag desisyon para sa sariling buhay dahil sa pangingialàm ng sariling ama.
Tumabol ang dibdib niya ng matanaw ang malaking pinto ng simbahan. Sa lugar na to ay puputulin na ang pagkadalaga niya at maitatali na sa lalaking hindi niya naman mahal ilang saglit na lamang.
Ngunit baka naman tama ang kanyabg kaibigan baka matutuhan niya rin itong mahalin balang araw. Diyos na lang ang bahala. Napabuntong hininga na naman siya bago bumaba at tanggapin ang nakalahad na kamay ng ama.
Napangiti siya ng mapait ng matanaw ang kaibigan na si Anastacia na made of honor niya. Nakangiti ito ng matamis sa kanya, sana naman ay makangitu rin siya ng ganon.
Nagsimula na nga ang seremonya at naglakad na sila anastacia hanggang sila na ng kanyang ama ang lumalakad sa pulang carpet na napakahaba papunta sa altar.
Napakagarbo na suot nyang gown, namamawis ang kanyang kamay sa loob ng puting gloves na suot niya dahil sa kaba. Paano kung masama pala ang ugali ng mapapangasawa niya? Paano kung pagbuhatan siya nito ng kamay?
Hanggang sa naibigay na ng kanyang ama ang kanyang kamay sa mapapangasawa niya.
Napaawang ang labi niya at napatitig sa perpekto nitong mukha. Buong akala niya ay may kaedaran na ang mapapangasawa.
“You may now kiss the bride." anunsyo ng pari at ginawa naman agad ng lalaki na nasa harap niya. Kaba at takot ang nararamdaman niya. Napakurap ng bigla siya bigyan ng napakabilis na halik ng lalaki
Wala na ang first kiss niya!
Higit sa lahat ay nakita niya ang pag-ikot ng mata ng lalaki halatang hindi nito gusto na halikan siya at parang nandidira pa sa kanya.
Nakaramdam siya ng kirot sa unang pagkakataon na pagtrato nito sa kanya. Paano pa kaya kung sa isang bubong na sila titira? Baka madurog o mapino ang puso niya.
Natapos ang kasalan ay dumiretso sila sa event kung saan gaganapin o ipadiriwang ang kasal nila.
Imbis na saya ay pagod at kalungkutan ang nararandaman niya.