Nagpatuloy nga ang pag-iimbistiga ni Katrina sa katauhan ni Dak at Emitt. Para na rin sa ikakatahimik niya, masama man o hindi ang ginagawa niya wala na siyang pakialam. Mas importante ang ikakatahimik niya. Subalit kung tutuusin ay hindi naman 'yong gano'n kadali kasi kung tutuusin ay wala siyang makuhang mabigat na ebedensiya. Sobrang mailap ang dalawa kaya naiinis siya. Kaya hindi niya rin alam kung saan magsisimula. Alam niyang hindi 'to maganda at hindi tama pero hindi niya mapigilan na alamin ang katotohanan sa katauhan ng dalawa. Gusto niyang malaman kung sinong kumpanya ang gustong pabagsakin ng dalawa. Ano nga ba ang relasyon ng dalawa? Bakit sila magkakilala? Isa pa ay si Dak. Bigla na siyang natakot lalo't may baril si Dak at talagang masyadong misteryoso. Hindi niya ala

