Chapter 79

2290 Words

"Ginabi yata kayo ni Emitt masyado," bungad na sabi sa kanya ni Dak pagkapasok na pagkapasok palang niya sa bahay niya. Nagulat pa nga siya pero buti na lang at hindi siya napatalon dahil sa biglaan nitong pagsasalita. Nakapatay pa ang ilaw kaya nagulat talaga siya. Hindi na nga niya inaya na pumasok si Emitt sa loob ng bahay dahil alam niyang napagod din ito. Kung saan-saan din kasi sila pumunta at talagang naging masaya naman siya. "Bakit gising ka pa?" tanong naman niya agad sa binata dahil nakaupo ito sa sofa at walang pakialam kung madilim ang paligid nito. Hindi ba 'to natatakot? Mukhang kanina pa rin siya nito hinihintay kaya napabuntong hininga naman siya. Marami siyang nalaman kay Emitt tungkol sa nakaraan nito pero hindi nito sinabi kung ano ba'ng relasyon nito kay Dak.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD