Chapter 80

2050 Words

"Bakla ka, hindi ka na nagsasabi sa akin... ano ang meron ah? May naaamoy akong hindi maganda sa inyo ni Emitt ah... kayo na ba?" tanong sa kanya ni Eduardo. Nandito sila ngayon sa harapan lang ng kumpanya kung saan sila nagtra-trabaho. Kumakain sila ng pananghalian. Ayaw lang kasi nila ang pagkain sa loob ng kumpanya kaya lumabas sila ni Raula Mae. Tsaka alam naman niyang dadaldalin talaga siya ng kaibigan niya ngayong araw. "Ano ba 'yang pinagsasabi mo Raula Mae? Saan mo naman nasagap ang tanong na 'yan?" "Sus! Ikaila mo pa talagang bakla ka, kung makangiti sa 'yo si Emitt parang may iba ah," asar nito sa kanya kaya napairap naman siya sa kaibigan. "Nanliligaw nga siya 'di ba?" sabi na lang niya kaya nakita naman niyang nanlaki ang mga mata ng kaibigan niya. "Pinayagan mo?!"

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD