Naging maganda ang naging pagsasama nila sa loob ng bahay. Hinahatid na siya ni Dak at tuwing linggo ay nasa bahay niya si Eduardo para doon matulog sa kanina. Ngayon ay nasa Itsy bar sila kasama ang mga katrabaho dahil nga nanlibre si Brian para sa desenyo na inilabas na sa iba’t ibang plataporma. Malapit na kasing ilabas ang kotse na talagang desenyo ni Brian na may tulong ng iba’t ibang Car Engineers. “Cheers for Brian, congratulation buddy!” Francis said. Nakangiti naman niyang tinaas ang inumin niya. “Thank you…” Brian said smiling. Napatingin naman siya kay Eduardo na nakikipagchismisan sa iba nilang katrabaho. Hindi naman na bago ‘yon. Ito ang dakilang chismoso sa kanila kaya hindi na nagbago. “Pst.” Napatingin naman sa kanya si Eduardo at sumama agad ang tingin sa kanya kahit

