“Huwag mong isipin ‘yong sinabi ni Emitt.” Napatingin si Katrina sa kaibigan niya dahil sa sinabi nito. Nandito sila sa sala at nag-uusap. Malayo talaga ang tingin niya sa kawalan. Parang bobo naman kasi si Emitt, bakit bigla-bigla na lang nitong sinabi sa kanya? ‘Hindi ko kayang magalit ka sa akin.’ Napapikit siya nang maalala ang sinabi ni Emitt sa kanya kanina. Hindi siya makatulog kanina kaya sinamahan siya ni Eduardo na kumain dito sa sala. Alas-nueve palang din naman ng gabi. Hinatid nga sila ni Emitt. “Hindi ko naman iniisip,” mahinang sabi niya habang kumain ng saging. “Sinungaling, tigilan mo nga ako Katrina… kilalang-kilala kita,” sabi nito kaya napabuntong-hininga na lang siya at napayuko. “Kapag talaga ako nainis kay Fafi Emitt. Masisira ang kinabukasan niya.” Hindi siya

