Kalalabas lang nila ng Lola niya at ni Eduardo sa simbahan. Maaliwalas ang pakiramdam ni Katrina dahil pakiramdam niya ay binura ng Panginoon ang lahat ng agam-agam niya ngayong araw. Masarap sa pakiramdam ang isuko lahat sa Panginoon lahat ng sama ng loob. “Uuwi na ba tayo apo?” tanong ng Lola niya pero umiling naman siya. “Sa labas na po tayo kumain Lola.” Nakangiti siya dahil nasasabik talaga siya ngayong araw dahil nga pakiramdam niya ay nawala kahit na ngayong araw lang ang mga problema niya. “Wah! Libre mo?! Gora ako d’yan! Minsan lang maglibre si Katrina. Susulitin na ng ganda ko!” masayang sabi ni Eduardo kaya napairap naman siya bago tignan ang kaibigan. “Kaming dalawa ni Lola ang paggagastusan ko ngayong araw. Ano ka? Gold?” birong tanong niya sa kaibigan kaya nakita niya a

