Kahit hindi naiintindihan ang sinabi sa kanya ni Emitt. Sinusubukan niyang alalahanin pero hindi niya magawa. Masyadong mabilis ang pagkakasabi sa kanya ni Emitt kanina ang salitang ‘yon. Hindi pamilyar sa kanya kung anong salita ang sinabi nito. Parang sasabog na naman ang isip niya. Hindi siya makatulog, nagugutom din siya dahil nga wala siyang ganang kumain kanina. Minadali na lang niya ang pagkain. Lumabas siya sa kwarto niya at napatingin sa bintana kung saan sila lumalabas ni Dak kapag naisipan nilang matulog doon sa bubungan. Nakasara ‘yon kaya sunod niyang tinignan ang pinto ng kwarto nito na nakasara rin. Hindi niya alam kung saan natulog ang binata. Bumaba na lang siya at dumeretsyo sa kusina. Nagsimulang maghanap ng kakainin dahil nga nagugutom siya. Kaso nasa kalagitnaan

