Tanging ang ingay lang ng mga kubyertos nila Katrina ang naririnig sa kusina nila. Nandito silang lima sa hapagkainan. Ang Lola niya, siya, si Eduardo, si Dak at si Emitt. Hindi niya alam kung paano magsisimula ng pag-uusapan lalo’t wala siyang gana na makipag-usap kahit na ba nandito si Emitt ngayon. Hindi niya matanggap ang sinabi nito kanina. “Sobrang tahimik,” mahinang sabi ni Eduardo kaya napatingin siya sa kaibigan. Sunod naman niyang tinignan ay si Dak at hindi man lang siya pasadahan ng tingin. Alam niyang galit sa kanya ang binata. Hindi na ‘yon bago sa kanya. Kasi nga meron silang hindi pagkakaintindihan na dalawa. Hindi niya rin alam kung bakit nandito si Emitt. Nadadalas ang pagbisita nito sa kanila at hindi niya alam kung bakit. Tumayo na lang siya. “Tapos na po akong k

