“I'm sorry I didn't pick you up last night.” Humahangos na pumasok sa opisina niya si Brian kaya nangunot ang noo niya. “’Di ba dapat nasa planta ka? Dapat nando’n ka kasama si Emitt para isiguro ang mga gamit sa sasakyan na prinisenta mo,” nakakunot ang noong tanong niya rito. Nakahinga siya ng maluwag kaninang nalaman niyang wala si Brian dahil kailangan kasi ng mga ito na siguraduhin ang mga gamit na dumating galing London. Car Engineers like Emitt and Brian are busy because of the new car design that will be released on December. Kampante siya dahil walang Brian na manggugulo sa kanya ngayong araw pero ‘yon ang inaakala niya dahil nandito ngayon ang binata sa harapan niya. “Akala ko galit ka sa akin,” mahinang sabi ni Brian sa kanya. “Bakit naman ako magagalit sa ‘yo?” tanong ni

