“Bakit ba ayaw mo akong papasukin? It's okay if I see the inside of your room messy. I was expecting that,” she said while laughing. Pero naiintriga siya kung ano nga ba ang itinatago ni Dak sa kwarto nito. Wala naman na itong kailangan na ilihim sa kanya una palang. Lumabas naman na si Dak at bitbit nito ang sariling kumot at unan. Alam niya rin naman na gustong-gusto rin nito na matulog sa bubungan. Mas masarap nga naman matulog doon kahit na maririnig ang ingay sa ibaba. “Huwag mong itulad kwarto ko sa ‘yo ah, kung makalat ang sa ‘yo, pwes sa akin ay hindi,” sabi nito at pinitik ang noo niya. “Aray ko naman,” nakabusagot na sabi niya. Nang naglakad na sila papunta sa bintana ay nauna si Dak para raw maalalayan siya nito paakyat. Natuwa naman siya dahil naiisip ‘yon ni Dak. Agad

