Umuwi si Kat na masama ang pakiramdam at medyo basa siya. Hindi siya hinayaan ni Brian na sumakay kay Emitt kanina na mas lalo niyang kinainis kaya dalawa sila ni Eduardo na sumakay kay Brian. Hindi niya gustong ipahiya kanina si Brian kahit na labis-labis ang nararamdaman niyang inis sa binata. Kahit papaano ay kaya pa naman niyang labanan ang inis na nararamdaman niya. Akala ni Katrina ay hindi papayag si Emitt na do’n sila ni Eduardo sumakay kaso dahil nga ito naman ang nagpresinta na ihatid sila dahil nga talagang malakas ang ulan kaso pumayag ito. Hindi na niya maintindihan si Brian. Hindi niya alam kung talagang hindi lang din ito makaintindi at pilit na sinisiksik ang sarili sa kanya. Kung tutuusin naman ay kaya nitong maghanap ng ibang babae. Bakit sa kanya pa na hindi kayang b

